Bayan Muna, opisyal na kandidato sa partylist—Comelec
Walang inilabas na anumang resolusyon ang Commission on Elections En Banc na nagdidiskuwalipika sa Bayan Muna Partylist at opisyal pa rin itong kandidato ngayong halalan.

Walang inilabas na anumang resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) En Banc na nagdidiskuwalipika sa Bayan Muna Partylist at opisyal pa rin itong kandidato ngayong halalan.
Ito ang inilinaw ng Comelec matapos ang pagpapakalat ng Facebook page na “Pulso ng Bayan” sa pekeng impormasyon na nadiskuwalipika na ang Bayan Muna. Nagpakalat pa ang naturang page ng gawa-gawang dokumento ng resolusyon at pahayag mula sa Comelec, pati mga pinekeng headline ng ilang pahayagan.


“Ang ganitong [estilo] at paggaya ng dokumento na animo’y galing sa isang ahensya ng gobyerno ay direkta at tahasang paglabag sa karapatan ng bawat Pilipino sa tama at wastong impormasyon lalo na ngayong panahon ng [eleksiyon],” sabi sa opisyal na pahayag ng Comelec.
Paalala pa ng komisyon, itinuturing na election offense ang pagpapakalat ng peke at nakababahalang impormasyon sa ilalim ng Omnibus Election Code.