#KuwentongKabataan

Gipit na estudyante sa Maynila


Ako ‘yong estudyante ang nahihirapan na nabubuhay sa instant noodles, sardinas at iba’t ibang paraan sa pagluluto ng itlog araw-araw. Sa halip na makakamura nga ako, nababaon pa ako sa utang.

Nahihirapan ako. Sa pag-apak ko sa Maynila, doon ko naramdaman ang ibang simoy ng hangin. Kung saan ako nanggaling, puro mga puno at hindi gubat na gawa sa bato.

Nahihirapan ako. Noong mga unang araw ko kolehiyo at kakalipat lang sa isang dormitoryo malapit sa Morayta, lagi akong nagdadalawang-isip kung saan ba ako kakain. Hindi dahil sa maraming puwedeng pagpipilian, kundi kung saan mura at sulit.

Nahihirapan ako. Parang madali lang makahanap ng makakainan sa U-belt kung saan naglipana ng samu’t saring kainan na pang-estudyante. Pero paano naman kaya ang mga estudyanteng naghihirap sa ekonomiya ngayon?

Ako ‘yong estudyante ang nahihirapan na nabubuhay sa instant noodles, sardinas at iba’t ibang paraan sa pagluluto ng itlog araw-araw. Sa halip na makakamura nga ako, nababaon pa ako sa utang.

Nahihirapan ako. Sa halip na makakamura nga ako, nababaon ako sa utang. Maski pamilya ko, gumagawa ng paraan para masustentuhan ako sa araw-araw kong gastos. Ganito pala ang buhay dito sa Morayta, kailangan talagang alagaan ang sarili kasi wala talagang nag-alaga sayo dahil nasa malayong lugar ang mga nagmamahal sa iyo. 

Nahihirapan ako. Dahil sa pagiging estudyante ko, nakikita ko ang hirap mamuhay sa mundo sa punong-puno ng gastos. Makikita ko pa sa balita kung paano nilulustay ng gobyerno ang kaban ng bayan sa korupsiyon at negosyo, pero hindi magawang pagaanin ang buhay ng maralitang Pilipino at lalong-lalo sa estudyante na baon sa utang at bayarin para sa kanyang edukasyon.

Nagpapahirap din sa mga estudyanteng komyuter ang dagdag-singil sa pamasahe. Hindi kaya ng karaniwang estudyante ay lakarin papuntang eskwelahan araw-araw.

Mababawasan sana ang gastusin ng mga tulad kong nagigipit kung tatanggalin ang mataas na buwis sa mga pangunahing bilihin. Pero gano’n pa rin, walang nagbabago dahil ‘di naman nakikinig ang gobyerno sa mga tao. Ni hindi ko nga alam kung kaninong bulsa napupunta ang buwis natin e.

Hindi makatao sa estudyante ang presyo ng mga bilihinn. Kailangang abot-kaya ang presyo para mabuhay nang maayos. Kung may nakabubuhay na sahod lang sana, baka mas magaan nang kaunti ang mga gastusin.

Sana hindi hirap ang mga ng estudyanteng nakatira malayo sa pamilya nila. Sana mabayaran din agad ang mga inabalang tao, dahil gusto lang nilang mabuhay sa araw-araw nilang gastusin.