Kaduda-dudang partylist | Pati ikaw nasa partylist?!
Marami talagang baho ang mabubuklat kapag sinilip ang partylist system natin. Sabi nga ng mamamahayag na si Christian Esguerra kamakailan, nabalasubas na ng mga dinastiyang politikal ang sistemang partylist.

Minsan magugulat ka rin sa mga pangalan ng mga nominado e. Daddy ni ganyan, kapatid ni ganito, istap lang dati ng negosyante pero ginawang mambabatas na.
Marami talagang baho ang mabubuklat kapag sinilip ang partylist system natin. Sabi nga ng mamamahayag na si Christian Esguerra kamakailan, nabalasubas na ng mga dinastiyang politikal ang sistemang partylist.
Kilatisin natin sila sa bawat isyu ng Pinoy Weekly. Mapapaisip at magdududa ka sa mga partylist na ito.
1. Kung sa nakaraang edition natin, panay anak ng bigatin ang nominado, mayroon ding magulang. Sa Juan Pinoy Partylist, na para umano sa maralitang lungsod, tatay at kapatid ni Manila Vice Mayor Yul Servo ang mga nominado!
Oo, arkitekto si tatay Martin Nieto, pero siyempre ang numero unong alas niya’y sikat na anak. Hindi ba ang Manila City Hall ang nakilala sa pagpapalayas sa mga manininda sa siyudad? Naku, ano kayang balak ng Juan Pinoy sa mga suki nating tindera?
2. Heto alam nating may edad. Sa United Senior Citizens Partylist, may dalawang nominado mula sa dinastiyang Magsaysay sa La Union.
Isama mo pa si second nominee Gertrudo de Leon, dating tao ni Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Management pero nasisante dahil sangkot sa korupsiyon. Hahanap na naman ba ng bagong ruta para dakmain ang kaban ng bayan?
3. Idol man natin si Manny Pacquiao sa boxing, sana huwag na niyang umangkas sa pamumulitika niya ang buong barkada. Sa 1Pacman Partylist, kapatid ni Pacman at dalawang executive, kabilang ang bilyonaryong tropa niyang si Mikee Romero.
Ngayon nga, nakaupo sa Kamara ang isang dating taga manage lang ng negosyo ni Pacman. Oo na, bilyonaryo ka na Pacman, pero ilang puwesto ba sa Kamara ang kailangan mo? Dagdag mayaman na naman para magsalita kuno para sa mahihirap.
Talaga namang pangmayaman ang pagtakbo sa eleksiyon at para sa higit na pagpapayaman lang ang puwesto!