Kaduda-dudang partylist | Dudirty Partylist
Nabanggit na natin ang Duterte Youth Partylist at Gilas Partylist noong nakaraan. Pero alam n’yo bang marami pang kakampi at kaanak na nagkalat sa iba’t ibang grupong partylist ang pamilyang Duterte?

Usap-usapan ngayon si Rodrigo Duterte sa International Criminal Court. Siyempre atubili ang buong angkan ni Duterte. Panay eksena sa politika at social media, kesyo kawawa raw sila. Ang hirap talaga maging mayaman at mamamatay-tao, ano?
Nabanggit na natin ang Duterte Youth Partylist at Gilas Partylist noong nakaraan. Pero alam n’yo bang marami pa silang kakampi at kaanak na nagkalat sa iba’t ibang grupo?
Kilatisin natin sila at iba pang grupo sa bawat isyu ng Pinoy Weekly. Mapapaisip at magdududa ka sa mga partylist na ito.
1. May nagngangalang Harold James Duterte na nominado ng PPP Partylist, grupo umano para sa mga mangingisda. Hindi malinaw kung siya ba’y apo, pamangkin o anuman, pero klarong malapit sa kontrobersiyal na pamilya. At maging ang ikalawang nominee na si Matthew Bryan Lim, nagpakilala lamang bilang DDS. Pareho silang negosyante na umaangkas sa iba’t ibang samahan ng mangingisda. Pati kaya sa dagat, magkakatokhang?
2. Sa Asenso Pinoy o ASPIN Partylist, may dalawang nakaupong mayor sa Mindanao na gustong maging kongresista. Plus nariyan si Crisinciano Mahilac na pinangalanan mismo ni Duterte noon na sangkot sa kartel ng ilegal na droga. Mabuti pa talaga ang mga mayayaman, kahit nadawit sa drugs, pinapayagan pang tumakbo sa partylist.
3. Nakakataas ng kilay din ang Edukasyon Partylist na first nominee si Michael Alexander Ang na direktor at board member ng The Manila Times group of companies at anak ni Dante Ang, kilalang kaalyado ni Duterte. May kasama din silang dating tao ni Duterte sa Commission on Higher Education na si Aldrin Darilag. Ano naman kayang ituturo nila sa mga kabataan?
Talaga namang pangmayaman ang pagtakbo sa eleksiyon at para sa higit na pagpapayaman lang ang puwesto!