Talaan ng mga nasira sa henosidyo (o kung bakit dapat iboykot)
Boycott Frankfurt Book Fair! Free Palestine!
Bahay. Apartment. Sala. Bintana. Pintuan. Veranda. Kusina. Kuwarto. Palikuran. Bubong. Dingding. Sahig. Tulugan. Upuan. Bangko. Mesa. Hapag-kainan. Kabinet. Pader. Bakod. Kama. Kortina. Kobre-kama. Kumot. Punda. Unan. Carpet. Almuhadon. Salamin. Picture frame. Damit. Hijab. Balabal. Sapatos. Tsinelas. Laruan ng mga bata. Banig. Tent. Ilaw. Ilaw sa kalsada. Ilaw sa isip. Bombilya. Dokumento ng pagkakakilanlan. Tarangkahan. Poste ng kuryente. Kotse. Bisikleta. Motorsiklo. Taxi. Kariton. Trak. Bulldozer. Backhoe. Bus. Paa. Mga paang hindi na makalalakad muli sa mga kalsada ng Gaza.
Paaralan. Unibersidad. Silid-aklatan. Libro. Panulat. Kuwaderno. Papel. Pambura. Pisara. Upuan. Mesa. Bag. Panukat. Pantasa. Pangkulay. Tsok. Visual aid. Chart. Projector. Telebisyon. Mesa ng guro. Guro. Propesor. Taguan ng gamit. Kalatas. Kompyuter. Mikropono. Ispiker. Cellphone. Pamaymay. Electric fan. Orasan. Tawanan ng mga bata at guro. Walis. Dustpan. Basurahan. Gula-gulanit na basahan. Kaldero. Kawali. Kalan. Takal. Sandok. Pinggan. Kutsara. Tinidor. Baso. Kutsilyong kinakalawang na maaaring ipangsaksak sa pasista. Sundang na ipangtatarak sa mga pasistang kriminal at mga sundalong Israeli.
Mosque. Silid-dasalan. Simbahan. Kalsada. Flagpole. Streetlight. Tulay. Pabrika. Tindahan. Pagawaan. Palengke. Negosyo. Patahian. Opisina ng gobyerno. Linya at planta ng kuryente. Tangke ng tubig. Tubo ng tubig. Pasilidad sa paglilinis ng tubig. Tower ng komunikasyon. Daungan. Parke. Mga bahay sa Khan Younis. Mga gusali sa Rafah.
Mosque sa Jabalia. Kampo ng mga sapilitang lumikas. Mga kalsada sa Shujaiya. Mga pader ng bahay na may pangalan ng mga bata. Kapistahan. Pagdiriwang. Sementeryo. Alaala ng mga yumao. Alaala ng mga kalsada. Alaala ng pamilya. Alaala ng mga apelyidong nabura ng mga bomba. Alaala ng mga tao. Alaala ng komunidad. Alaala ng bayan.
Malinis na tubig. Balde. Ilog. Sapa. Palayan. Kanin. Manok. Isda. Baka. Gulay. Prutas. Pakwan. Sakahan. Tanim. Palay. Traktora. Bangka ng mangingisda. Palayan. Taniman. Aso, pusa at iba pang alagang hayop. Ibon. Ibong naliligaw at hindi mahanap ang tahanan.
Mga halaman. Bulaklak. Sampagang kumalat ang bango. Balon. Hardin. Puno. Alitaptap. Tutubi. Paruparo. Ibon. Iba’t ibang klaseng ibon. Tubig. Balon. Doktor. Nars. Kumadrona. Ambulansya. Ospital. Mga ospital ng Al-Shifa at Nasser. Klinika. Botika. Kama. Gunting. Wheelchair. Crib. Stretcher. Thermometer. Incubator. Gamot. Lunas sa lawa ng dugo. Lunas sa mga malalalim na pilat ng digma. Lunas sa pait at pighati ng pambobomba.
Museo. Gusaling pangkultura. Mga mural. Mananaliksik. Manggagawang pangkaunlaran. Mamamahayag. Manunulat. Makata. Kuwento. Tula. Panitikan. Kultura. Wika. Musika. Naratibo. Kasaysayan. Identidad. Diploma. Rekord medical. Passport. Larawan ng pamilya. Pinakatatago-tagong liham. Talaarawan. Tampipi ng alaala. Tampipi ng mga retraro. Qur’an. Pangalan. Dangal. Pakialam ng mga taong may pribilehiyo. Alaala ng pagkabata. Kapayapaan ng isip. Tiwala sa mundo. Seguridad. Kalayaan. Komunidad. Pananampalataya. Panaginip ng kabataan. Tunay na pagkakaisa. Tradisyon. Alaala ng tahanan. Pagkalinga ng magulang.
Pagkabata. Pagmamahal. Pakikipagkapwa. Pagkakaibigan. Paglalaro. Pagsasaya. Tiwala sa pamahalaan. Pananampalataya sa Maykapal. Paggalang sa buhay. Pagkalinga ng lipunan. Katatagan ng pamilya. Katarungan. Panahon. Kabataan. Karapatang pantao. Kabuhayan. Kalinga. Kalusugan. Katahimikan. Karangalan.
Pagtitiwala sa kinabukasan. Espiritu ng bayan. Pagpapahalaga sa tao. Pag-asa ng mga magulang at pag-aasam na maging magulang sa hinaharap. Matatamis na ngiti ng mga bata. Masasayang hagalpakan. Tunog ng adhan at kampana. Kuwento ng pag-ibig. Pagkatao. Bata. Babae. Matanda. Lalaki. LGBTQIA+. Ngiti. Tao. Buhay. Pag-asa. Buhay. Pangarap. Bukas.
Boycott Frankfurt Book Fair! Free Palestine!