‘Mayo Uno 6’, absuwelto sa lahat ng kaso


Pinawalang-sala sa lahat ng kaso ang anim na kabataang aktibista na tinaguriang “Mayo Uno 6” na ilegal na inaresto at idinetine matapos lumahok sa protesta sa Araw ng Paggawa noong Mayo 1 ng nakaraang taon.

Pinawalang-sala sa lahat ng kaso ang anim na kabataang aktibista na tinaguriang “Mayo Uno 6” na ilegal na inaresto at idinetine matapos lumahok sa protesta sa Araw ng Paggawa noong Mayo 1 ng nakaraang taon.

Matapos ang mahigit isang taong pagdinig, ibinasura ng Metropolitan Trial Court of Manila ang huling kasong direct assault nitong Nob.13.

Nauna nang ibinasura ang mga kasong malicious mischief noong Hunyo 2024 at illegal assembly noong Marso 2025 dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

Kabilang sa “Mayo Uno 6” ang tatlong miyembro ng University of the Philippines (UP) Pi Sigma Fraternity, isang miyembro ng National Network of Agrarian Reform Advocates Youth (NNARA Youth) UP Manila at dalawang miyembro ng Anakbayan Caloocan.

Marahas na inaresto ang anim sa protesta ng mga manggagawa sa harap ng United States Embassy kontra sa suporta ng Amerika sa henosidyo ng Israel sa Palestine at patuloy na panghihimasok ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas.

Nakapagpiyansa sila kinabukasan na umabot sa kabuuang halaga na P252,000. Matapos ang halos isang linggong ilegal na detensiyon, nakalaya sila noong Mayo 7, 2024.