Migrante

3 OFW, nasawi sa sunog sa Dubai


Dubai, UAE –  Tatlong overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi habang isa ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa sunog sa kuwartong kanilang tinutuluyan sa rooftop ng isang tatlong-palapag sa gusali sa Satwa, Dubai noong nakaraang Sabado ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Krisleen Francisco, 32, isang saleslady; Ariel Soberano, 30, isang waiter; […]

3 OFW ang nasawi sa sunog: (Mula kaliwa) Krisleen Francisco, Renalyn Luna, at Ariel Soberano. Pinaiimbestigahan ng Migrante-UAE ang kaligtasan ng tinutuluyan ng mga OFW, na kadalasa'y sa masisikip na kuwarto. (Contributed Photo)
3 Pilipino na nasawi sa sunog: (Mula kaliwa) Krisleen Francisco, Renalyn Luna, at Ariel Soberano. Pinaiimbestigahan ng Migrante-UAE ang kaligtasan ng masisikip na kuwarto na kadalasang tinutuluyan ng mga OFW. (Contributed Photo)

Dubai, UAE –  Tatlong overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi habang isa ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa sunog sa kuwartong kanilang tinutuluyan sa rooftop ng isang tatlong-palapag sa gusali sa Satwa, Dubai noong nakaraang Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Krisleen Francisco, 32, isang saleslady; Ariel Soberano, 30, isang waiter; at Renalyn Luna, 29, isang waitress. Ginagamot pa rin sa Rashid Hospital Trauma Centre si Reynald Luna, 32, na isa ring waiter.

Ayon kay Josephine Jacob, tiyahin ng mga biktima, nagising sila dahil sa sunog na lumalamon na sa kanilang tinutuluyang kuwarto, na gawa lamang sa light materials.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ng Dubai ang sanhi ng sunog, na hindi kumalat sa iba pang mga kuwarto.

Samantala, nanawagan ang Migrante-United Arab Emirates sa Philippine Consulate sa Dubai na kagyat na pauwiin ang bangkay ng mga biktimang nasawi, at magbigay ng tulong sa isa pang nasa ospital.

Hiniling din ng grupo sa gobyerno na suriin ang kaligtasan ng tinutuluyan ng mga OFW.

“Many, if not majority of the OFWs in UAE, live in cramped rooms because of high rent. They  are forced to live in unsafe accommodations to save money so they can provide for their families back home,” sabi ni Yuri Cipriano, tagapangulo ng Migrante-UAE.

Tinatawag ang Al Satwa na “Little Manila” ng Dubai dahil sa dami ng mga Pilipinong nakatira roon.