Iniimbestigahan pa ang sunog na nangyari sa LRT 2 noong Oktubre 3. Kung sinusubaybayan mo ang balita, alam mong humihingi ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa gobyerno ng humigit-kumulang P430 Milyon. Dahil sa napakalaking halaga nito, alam ko na ang nasa isip mo: “Kaninong bulsa na naman kaya ang tataba dahil dito?”