Pagpapalaya sa mga bilanggo ng ‘isa pang gobyerno’ sa bansa (Mga Larawan)
Mga larawan ng pagpapalaya sa apat na bilanggo ng digmaan, at tatlong bilanggong may kaso laban sa “isa pang gobyerno” sa Pilipinas: ang gobyerno diumano ng rebeldeng NDFP.
Apat na personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang hinuli noong Hulyo 21 ng mga elemento ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Kitaokitao, Bukidnon habang sinasamahan ang ilang detinido mula Ozamiz City. Pinalaya ng NPA ang detinidong si Dennis Rodenas, habang hinuli at itinuring na prisoners of war (POW), o bilanggo ng digmaan, ang apat na tauhan ng BJMP.
Nitong Oktubre 8, pinalaya na ng mga rebelde ang apat na tauhan ng BJMP sa North Cotabato. Matapos manawagan ang mga kaanak ng apat, gayundin ang ilang lokal na lider at mga grupong pangkapayapaan, nagdesisyon ang NPA at National Democratic Front (NDF) na palayain ang apat sa humanitarian grounds.




(Iklik ang Next page para sa larawan ng pagpapalaya ng mga rebelde kay Lingin Mayor Henry Dano at dalawa niyang eskort na militar.)