Pagtaas ng matrikula ng 222 paaralan, kinondena ng Kabataan


Sinugod ng militanteng kabataan ang pambansang tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Diliman, Quezon City upang kondenahin ang anila’y muling pagkiling ng komisyon sa mga edukador-kapitalista kesa sa interes ng mga kabataan. Nagprotesta ang kabataan, sa pangunguna ng Kabataan Party-list, matapos aprubahan ng CHED ang mahigit 220 eskwelahan upang magtaas ng matrikula. Sa […]

Pinangangambahan ng militanteng kabataan na hudyat lamang ang taas-matrikula na ito ng lalong kawalan ng akses ng mga maralitang Pilipino sa edukasyon. (Pher Pasion)
Nanawagan ang National Union of Students of the Philippines at Kabataan Party-list sa Commission on Human Rights na magpatupad ng moratoryo sa pagtaas ng matrikula, laluna ngayong panahon ng matinding krisis sa ekonomiya. (Pher Pasion)
Nanawagan ang National Union of Students of the Philippines at Kabataan Party-list sa Commission on Human Rights na magpatupad ng moratoryo sa pagtaas ng matrikula, laluna ngayong panahon ng matinding krisis sa ekonomiya. (Pher Pasion)

Sinugod ng militanteng kabataan ang pambansang tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Diliman, Quezon City upang kondenahin ang anila’y muling pagkiling ng komisyon sa mga edukador-kapitalista kesa sa interes ng mga kabataan.

Nagprotesta ang kabataan, sa pangunguna ng Kabataan Party-list, matapos aprubahan ng CHED ang mahigit 220 eskwelahan upang magtaas ng matrikula.

Sa pagkakaapruba ng 222 pribadong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa, inaasahang magtutulak ito ng mas maraming dropouts sa pagpasok ng susunod na academic year, ayon sa Kabataan Party-list.

“Sa panibagong bugso na naman ng pagtaas ng matrikula, hindi kataka-taka na mas maraming mag-aral na naman ang mapipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakapusan ng pinansya,” pahayag ni Vencer Crisostomo, pangkalahatang-kalihim ng Kabataan.

Binigyang diin naman ng National Union Students of the Philippines ang panawagang magkaroon ng moratoryo sa pagtaas ng matrikula sa pangambang maaaring tumaas sa drop-out rate sa 85%.

Base sa datos ng NUSP, 8 sa bawat 10 gradwado ng hayskul ang hindi nakapasok sa kolehiyo noong nakaraang taon, at ang mataas na matrikula ang isa sa mga mayor na dahilan.

“Sa patuloy na paglala ng krisis sa ekonomiya at paglawak ng kawalan ng trabaho sa bansa, ang pagtaas ng matrikula ay tiyak na mangangahulugan ng dagdag na out-of-school youth,” dagdag ni Crisostomo.

Presyur at presyo

Pinangangambahan ng militanteng kabataan na hudyat lamang ang taas-matrikula na ito ng lalong kawalan ng akses ng mga maralitang Pilipino sa edukasyon. (Pher Pasion)
Pinangangambahan ng militanteng kabataan na hudyat lamang ang taas-matrikula na ito ng lalong kawalan ng akses ng mga maralitang Pilipino sa edukasyon. (Pher Pasion)

Naaalarma ang Kabataan na sinasabi pa umano mismo ng CHED na wala itong magagawa upang pigilan ang pagtaas ng matrikula.

Imbes na protektahan ang kapakanan ng mga mag-aaral, nagsisilbing “rubber stamp” ang CHED na pasibong nag-aapruba ng mga panukalang pagtaas ng matrikula, ayon kay Crisostomo.

Sa mga ulat sa midya, ipinagtanggol di umano ni CHED Chair Patricia Licuanan ang panibagong pagtaas ng matrikula na sinasabing ang mga pribadong nasa presyur sa pagtaas ng matrikula dahil sa pagtaas ng gastusin sa ganitong kahirap na panahon.

Ipinaliwanag pa ni Licuanan na nakagapos ang kamay ng CHED sa mga batas tulad ng Education Act of 1982 na nagpapahintulot sa mga pribadong paaralan upang tukuyin ang kanilang ipapataw na matrikula.

Samantala, sa datos ng datos ng Kabataan, sa 2,181 pribadong institusyon ng edukasyon sa bansa, tinatayang 10% o P41.52 ang inaprubahan ng CHED sa average na pagtaas ng matrikula ng 222 pribadong paaralan.
Sa ganitong balangkas, ang matrikula ay aabot na sa P475.47 kada yunit mula P433.95 kada yunit sa average.

Pinapangambahan na tataas pa ito sa 256 na paaralan, dahil hindi pa napoproteso ng CHED ng National Capital Region ang aplikasyon sa pagtaas ng matrikula sa mga paaralan sa Metro Manila.

Sa tantsa naman ng National Wages and Productivity Commission, ang isang pamilya na binubuo ng anim ay nangangailangan ng P957.00 kada araw  para sa mga batayang pangangailangan pa lamang.

Samantala ang sumasahod naman sa minimum na P424.00 kada araw, makikita na mayorya sa mga sumasahod sa minimum ay halos imposible na papag-aralin ang kanilang mga anak, ayon kay Crisostomo.

Noynoying na estado

Sa patuloy na pagtaas ng mga bayarin sa mga batayang serbisyo gaya ng edukasyon, nananatili namang nakapako ang sahod ng mga magulang na manggagawa sa bansng, kung kaya ang pagka-inutil di umano ng administrasyong Aquino na protektahan ang interes ng masa ang nakikita ng kabataan.

“Nasaksihan natin kung paano sila (administrasyong Aquino) ay nagbingi-bingihan sa pagkaltas sa badyet sa mga serbisyong panlipunan. At ngayon, nabubulag-bulagan na naman sila sa lumalalang krisis sa edukasyon sa ating bansa,” pahayag ni Crisostomo.

Nagpahayag naman ng galit ang NUSP sa Pangulong Aquino sa kawalang aksiyon nito na pigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo at ang patuloy nitong pagtanggi sa signipikanteng dagdag sahod sa mga manggagawa.

“Hinahamon namin ang administrasyong Aquino na umaksiyon sa patuloy na pagtaas ng matrikula at ibasura ang mga anti-estudyanteng mga batas tulad ng Education Act of 1982. Imbes na aprubahan ang pagtaas ng matrikula, kailangang magpatupad ng moratorium ang gobyerno sa pagtaas ng matrikula kasabay ng paglala ng krisis sa ekonomiya,” ayon kay Crisostomo.

Naghahanda naman ang NUSP para sa serye ng pagkilos ng mga mamamayan ngayon hanggang sa pagbubukas ng klase at magpapatuloy hanggang ang president at kasapakat nito ay hindi umaaksyon para pigilan ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin.