Larawan at video: SONA sa kalsada 2009
Habang nagtatalumpati sa Gloria, sa labas ng Batasan Pambansa, sa kalsada ng Commonwealth, aabot sa 20,000 ang nagmartsa, nagpaulan, sumayaw, kumanta, humiyaw, nagsunog. Gusto nilang masigurong ito na nga ang huling SONA ni Gloria. (Mga Larawan at Video)

Kung may katotohanan mang nasabi si Pangulong Arroyo sa kanyang State of the Nation Address sa Kamara noong Hulyo 27, 2009, ito ang katotohanang inihayag niya sa kanyang pananahimik sa isyu ng pagbaba sa puwesto.
Sa kanyang 54-minutong talumpati, wala siyang nasabi na ipapasa na niya ang pagkapangulo sa sinumang mahahalal sa 2010. Ang sabi lang niya: “I have never expressed the desire to extend myself beyond my term.” Hindi ito pagtanggi ng pagnanais na manatili sa kapangyarihan. Pagtanggi ito ng paghayag ng pagnanais na manatili sa kapangyarihan.
Totoo, nga naman, hindi pa niya sinasabi sa publiko na gusto niyang manatili sa puwesto. Pero sinasabi ng katahimikan niya at mga kilos sa isyung ito, na gustung gusto pa niya.
Samantala, sa labas ng Batasan Pambansa, sa kalsada ng Commonwealth, aabot sa 20,000 ang nagmartsa, nagpaulan, sumayaw, kumanta, humiyaw, nagsunog. Gusto nilang masigurong ito na nga ang huling SONA ni Gloria.
Panoorin ang video ng protesta sa SONA:
Tungyahan ang mga litrato ng Pinoy Weekly Online (Pindutin ang Next Pagepara sa susunod na larawan):