Sinalubong ng mga mamamayan sa Camarines Norte ang mga magsasaka sa naglakbay pa mula Mindanao at Visayas, sa ika-6 na araw ng Pambansang Lakbayan ng Anakpawis para sa Lupa at Katarungan noong Enero 17. (King Catoy/May Day Productions)Pasensyong naghihintay ang tinaguriang mga 'Lakbayani' tuwing may sasakyang nasisiraan. (King Catoy/May Day Productions)Mga magsasakang nagluluto sa tabing-dagat, sa bayan ng Daet. (King Catoy/May Day Productions)Inaasahang makakarating sa Mendiola Bridge sa Maynila ang Pambansang Lakbayan sa Enero 22, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre. (King Catoy/May Day Productions)Pagkakabit ng streamer para kay Jason Delen, coordinator ng Bayan Muna na pinaslang noong Abril 27, 2006 sa Daet. Ipinoprotesta ng Lakbayan ang mga ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng gobyernong Arroyo, na bumiktika sa 561 magsasaka. (King Catoy/May Day Productions)Checkpoint ng pulisya sa Gumaca, Quezon. Paulit-ulit na tinanong ang mga organisador ng Lakbayan hinggil sa bilang ng mga delegado at kung saan sila pupunta. Ayon kay Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, isang taktika ang "panghaharas" para maantala ang pagdating ng mga magsasaka sa Maynila. (King Catoy/May Day Productions)Kinabukasan, Enero 18, nakarating ang Lakbayan sa Lucena City, Quezon. Nagpiket ang mga magsasaka sa harap ng kampo ng Southern Luzon Command. (King Catoy/May Day Productions)Pagtigil sa militarisasyon sa kanayunan, na bumibiktima ng mga magsasaka, ang kanilang panawagan. (King Catoy/May Day Productions)
Nagpapatuloy ang pakikibaka ng magsasakang Pinoy para sa kanilang mga karapatan at sa tunay na reporma sa lupa. Pero nilalamon sila ng mga panginoong maylupa at pribadong korporasyon gamit ang armadong pwersa ng estado para supilin silang mga nagpapakain sa bayan.
Kinasuhan ng theft at coercion ng ang pangulo ng Samahan ng Magsasaka at Mamamayang Tartaria na si Jerie Luna kasama ang nasa 40 hanggang 50 iba pa noong Mayo 30.
Sa kabila nito, pinangangambahan ng mga residente ng Tartaria ang kalmadong estratehiya at mistulang pag-iwas sa paggamit ng dahas ng goons kontra sa kanila.
Nitong Abril, sunod-sunod ang panghihimasok ng mga armadong tauhan ng mga Aguinaldo at Ayala sa Brgy. Tartaria sa bayan ng Silang, Cavite para bakuran ang lupa ng mga magsasakang matagal nang naroroon.