Sa mock elections na ginanap noong Pebrero 6 sa Generoso Elementary School sa Bago Aplaya, Davao City, nakatanghod ang batang ito. Pumalpak ang may 8% ng mga makina na ginamit sa isang presinto, ayon sa grupong Kontra Daya. Paano ang kinabukasan ng batang ito kapag nagkaroon ng failure of elections sa Mayo? (Karlos Manlupig)
Naglabas ng agam-agam ang isang grupo ng mga migrante na baka mabalam ang halalang 2013 dahil sa hidwaan ng mga kompanyang magpapatakbo ng automated na pagboto. Ayon kay Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante Partylist, naghapag ng balidong concern ang electoral watchdog na Automated Elections System Watch (AES) nang sabihin nitong maaaring humantong na paggamit ng piniratang […]
1. Katulad sa manwal na halalan, magpakilala sa Board of Election Inspectors (BEI) sa presinto kung saan kayo nakarehistro. Ang oras ng pagboto ay mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. 2. Matapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan: – Isusulat ng chairman ng BEI ang serial number ng balota sa Election Day Computerized Voters’ List […]
Mabigat ang hatol sa Commission on Elections ng mga grupong inaral nang independiyente ang Automated Elections System na gagamitin sa Mayo. Umano’y “hindi handa” ang Comelec at “nanganganib” ang halalan na pinapangarap ng lahat na maging malinis at kapani-paniwala ang resulta.