Video: Bisperas ng demolisyon


Kung bakit ipinagtatanggol ng mga maralita sa North Triangle ang kanilang karapatan sa paninirahan, laban sa pagtatayo ng umano’y maka-dayuhan at kontra-mamamayang Quezon City Central Business District.

Protesta ng mga maralita ng Sityo San Roque sa bisperas ng demolisyon sa North Triangle, Quezon City noong Setyembre 22. (Ilang-llang D. Quijano)

Sa inihandang bidyo ng Pinoy Weekly, ipinapakita kung bakit ipinagtatanggol ng mga maralita sa North Triangle, Quezon City, ang kanilang karapatan sa paninirahan.

Unang araw ngayon, Setyembre 23, 2010, ng sapilitang pagpapalikas ng libu-libong pamilya para bigyang-daan ang Quezon City Central Business District. Sa sama-samang pagkilos, binigo ng mga maralita ang demolition team at kapulisan.