Avatar

Hiyasmin Quijano

Melissa Roxas, kabilang sa 100 Most Influential Fil-Am Women

Pinarangalan ang Filipino-American na si Melissa Roxas na kabilang sa 100 Most Influential Filipina American Women. Nakilala sa Pilipinas si Roxas bilang biktima ng tortyur sa kamay ng militar. Ngayon, tila nalampasan na ni Roxas ang malagim na yugtong iyon ng kanyang buhay, at patuloy sa pagsisilbi sa interes ng mahihirap at inaapi.