Avatar

Steven Abada

Giting at tapang*

Mapangahas ang pelikulang “The Guerrilla is a Poet” ng magkapatid na Sari at Kiri Dalena dahil sa mismong paksa nito: ang buhay ni Jose Maria “Joma” Sison, ang unang tagapangulo ng muling tatag na Communist Party of the Philippines. Tulad ng maraming maling paniniwala sa kasamaan umano ng komunismo,  malimit ilarawan si Joma sa mainstream […]

Ang Pagbabalik ng Pinoy Action Movie

Masasabing matagumpay ang pagpapalabas ng pelikulang On the Job o OTJ ni Erik Matti kung pagbabatayan ang ingay na nilikha nito sa social media. Kahit wala pang opisyal na tala sa kita ng pelikula, matatawag na ring relatibong tagumpay sa takilya ang pananatili ng OTJ sa mga sinehan lampas sa karaniwang isang linggo pagpapalabas. Kaiba […]

Panata at sumpa*

Ayon sa isang makata, may labingtatlong paraan para sipatin ang isang itim na ibon. Ito ang malimit na gamiting talinghaga para isalarawan ang dami ng paraan para basahin ang isang akdang sining at bigyan ito ng pakahulugan. May iba’t ibang paraan para basahin ang pelikulang Debosyon ni Alvin Yapan. Kung pagbabatayan ang pagiging guro ng […]

Ang kagila-gilalas na sining ni Jose F. Lacaba

Hindi katulad sa teatro, bihira kilalanin ang manunulat ng iskrip sa pelikula. Maliban na lamang kung siya rin ang nagdirehe ng kaniyang sinulat. Maraming direktor ng pelikula ang hinahangaan at iniidolo ng mga kabataang nangarap pasukin ang mundo ng paggawa ng pelikula. Ngunit iilan lamang ang mga manunulat ng iskrip ng pelikula ang tumatatak sa […]

Splintered lives*

Nabubura na raw ang mga hangganan ng mga bayan sa panahon ng globalisasyon. Ang sampung milyong Pilipinong nagkalat sa lahat ng dako ng mundo ay hindi na lamang mga Pilipino, kundi mga mamamayan ng mundo. Wala nang dayuhan, wala nang estranghero. Ngunit malayo ito sa reyalidad ng maraming migranteng Pilipinong nasa laylayan ng bawat bansang […]

Welga sa pelikula

Ilang buwan na ring nakatayo ang piketlayn ng mga nagwewelgang manggagawa ng Pentagon Steel Corporation, ngunit nito lamang Hulyo unang nailathala sa komersyal na pahayagan ang balita tungkol sa welga. Kung hindi pa sumiiklab ang karahasan na nagresulta sa pagkamatay ng isang gwardya noong Hulyo 13, hindi ito mabibigyang pansin ng mainstream na midya. Bagamat […]

Paghahanap kay Ligaya Paraiso sa taong 2013

Makalipas ang higit tatlong dekada, muling ipalalabas ang restored version  ng “Maynila sa mga Kuko ng Liwanag” ni Lino Brocka sa mga komersyal na sinehan sa susunod na buwan. Tinagurian ng maraming kritiko at intelektwal bilang pinakamahusay na pelikulang Pilipino, mahalagang mapanood “Maynila…” ng henerasyon ngayon. Bukod sa kasiningan ng pelikula, makabuluhan ang “Maynila…” bilang […]

Sine sa labas ng sinehan

Mas mahirap ang panahon ngayon para sa mga pangkaraniwang manonood ang maglaan ng panahon at bahagi ng sweldo sa panonood ng pelikula. Halos kalahati na ng minimum na pasahod ang halaga ng sine ngayon. Dahil dito, mas nakararami ang nagtitiyaga sa mga piniratang DVD. Taliwas sa sinasabi ng pamahalaan na ang pamimirata ang pumapatay sa […]

Manila in my mind

Naging mainit ang pagdepensa ng mga Pinoy sa imahe ng Maynila sa social media nitong nakaraang buwan nang taguriang “gates of hell” ang lungsod  ng Amerikanong nobelistang si Dan Brown sa bago niyang nobelang “Inferno.” Pero kung tutuusin, hindi na bago ang pag-alma ng mga Pilipino sa tuwing pinipintasan ang Kamaynilaan o ang bansa. At […]

Kani-kaniyang Rizal

Ang buhay na siguro ng pambansang bayaning si Jose Rizal ang pinakapaboritong gawing paksa sa mga pelikula. Taong 1912, bago pa lamang ang paggawa ng pelikula sa bansa, dalawang pelikulang batay sa buhay at kamatayan ni Rizal ang ginawa ng mga Amerikanong prodyuser. Maging ang mga nobelang kaniyang isinulat ay paborito ring isapelikula. Unang naisapelikula […]