Balita

Diplomasya sa Tsina, sa halip na pakikialam ng US, ipinanawagan

Hindi dagdag na tropang Amerikano kundi diplomasya sa Tsina ang kailangan para harapin ang nagtutunggaling claims sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus alinsunod ng pahayag ng mga departamento ng national defense at foreign affairs na dadagdagan ang bilang ng mga tropang Kano sa bansa dahil sa umano’y banta […]

‘Cojuangcos to be given P1.2-B compensation, prime lands in Luisita’

The Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA) slammed the Department of Agrarian Reform’s pronouncements that the Cojuangco-Aquino family will be paid P1.2 billion as compensation for the distribution of land to farmers in Hacienda Luisita. In a budget hearing at the House of Representatives last August 8, de los Reyes revealed that the Cojuangcos would be paid […]

Korte sa Ifugao, ibinasura ang arrest warrant laban sa 4 na aktibista

Isang hakbang para sa pagpapalaya ng “Courage 2”, o dalawang organisador sa hanay ng mga kawani ng gobyerno na sina Randy Vegas at Raul Camposano, ang pagbasura sa mandamyento de aresto laban sa kanila at dalawa pang aktibista kaugnay ng kaso ng pag-atake ng mga rebeldeng gerilya sa Tinoc, Ifugao noong Abril 25, 2012. Ikinatuwa […]

Protesta vs taas-pasahe sa MRT/LRT, umaarangkada

Hindi nagpatinag sa bagyong Labuyo ang mga tumututol sa nakaambang pagtaas ng pamasahe sa Metro Rail Transit/Light Rail Transit (MRT/LRT). Muli silang sumugod sa mga estasyon ng MRT at LRT para hikayatin ang mga komyuter na magprotesta sa planong pagtataas. Sinabi ng grupo na mapipigil lang ang pagtaas sa pamamagitan ng protesta. Ayon sa grupo, […]

Dagdag-sahod ng obrero sa NCR, malabo pa

Maghihintay pa ng 30 araw ang mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) para malaman kung ibibigay ng gobyerno ang umentong hinihingi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP). Sa konsultasyon kahapon sa pagitan ng TUCP at Regional Wage Board, inihain ng dalawang kampo ng TUCP ang magkahiwalay na petisyon para sa P83 at […]

Obrero tutol sa dagdag-premium ng SSS

Muling nagpiket ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng tanggapan ng Social Security System para iprotesta ang panibagong iskema sa karagdagang kontribusyon ng mga kasapi ng Social Security System (SSS). Ayon sa KMU, dagdag pasanin umano para sa mga manggagawa ang dagdag sa premium na singil ng SSS. Hindi […]

Protesta vs taas-pasahe sa MRT-LRT sinimulan

Sinimulan ng grupong Riles Laan sa Sambayanan (Riles) Network ang lingguhang protesta nito laban sa nakaambang pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) kaninang umaga. Isinagawa ng grupo ang kanilang protesta sa North Edsa station ng MRT at sa Monumento station ng LRT-1. Ayon sa Riles, magsasagawa sila ng […]

Mga lider-maralita sa Brgy. San Roque, QC kinasuhan ng pulis

Kinondena ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang pagsampa ng anila’y gawa-gawang mga kaso laban sa kanilang mga lider, matapos ang marahas na tangkang pagbuwag sa kanilang barikada laban sa demolisyon noong Hulyo 1 sa Agham Road, Quezon City. Nakatanggap ng subpoena mula sa Office of the City Prosecutor sina Carlito Badion, pangkalahatang kalihim ng […]

‘Philex, DENR, panagutin sa pinsala ng tagas-mina’

Nanawagan ng imbestigasyon ang mga grupong maka-kalikasan kaugnay ng patuloy na operasyon ng Philex Mining Corp. sa kabila ng naganap na mine spill sa Agno River noong nakaraang taon. Sa isang kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City ngayong araw, pinananagot ng Kalikasan People’s Network for […]

Karapatan calls for CHR chair resignation

Human rights group Karapatan today called for the resignation of Etta Rosales as chairperson of the Commission on Human Rights (CHR), saying that Rosales has been remiss in her duty as chair of the commission by virtually acting as a spokesperson of police and military institutions. Karapatan cited the latest remarks of Rosales in media reports blaming protesters in […]