Balita

Stockholders meeting ng Philex Mining, sinugod

Sinugod ng mga grupong makakalikasan at katutubo ang stockholders’ meeting ng Philex Mining Corporation, ang pinakamalaking kompanya ng mina sa bansa na pagmamay-ari ng negosyanteng si Manny Pangilinan. Pinuna nila ang patuloy na pagmimina ng Philex sa Padcal, Benguet, sa kabila ng pagpatay sa Balog River at pagkontamina sa San Roque Multi-Purpose Dam, gayundin ang […]

Tabing-estero, maaaring gawing ‘ligtas at maayos’ na tirahan

Maaaring gawing “ligtas at maayos” na tirahan ng maralita ang mga tabing-estero kung isasailalim ito sa rehabilitasyon, ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus. Pinuna ng kongresista ang plano ng gobyernong Aquino na magbigay ng P18,000 kada pamilya para lumikas mula sa mga tabing-estero, na tinaguriang mga “danger zone” at itinuturing ng gobyerno na isa […]

Panghihimasok ng pulis sa welga ng manggagawa sa Pentagon, binatikos ng KMU

Binatikos ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Philippine National Police (PNP) sa panghihimasok at pakikipagsabwatan nito sa manedsment ng Pentagon Steel Corp. na dumulo sa komprontasyon ng mga manggagawa at pulisya. Habang sinusulat ito, aabot sa 100 pulis mula sa Quezon City Police Department at Special Reaction Unit ang nagkakampo sa loob ng pabrika. “Nakikipagsabwatan […]

Rights group challenges UN to include AFP in shame list

Child rights advocates challenged the United Nations to look into the Armed Forces of the Philippines (AFP) as perpetrator of human rights violations, in reaction to the latest UN report entitled “Grave violations committed against children in 22 situations of concern” released last June 12. In the said report, the UN raised concerns over the […]

Batang nasaktan sa demolisyon sa Valenzuela, kritikal

Kritikal ngayon ang lagay ng bata na puwersahang kinuha ng mga istap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong dinedemolis ang kanilang mga bahay sa Brgy. Bignay, Valenzuela City noon pang Mayo 31. Tinakbo sa Philippine Orthopedic Center (POC) noong Hunyo 3 ang dalawang-taong gulang na si Maybeline Fronda. Ayon sa kanyang ina […]

Kabataan, nagprotesta vs dagdag singilin

Mas mahalaga pa sa administrasyong Aquino na masigurong kumikita ang mga dati nang mga bilyunaryo kaysa magkaroon ng batayang serbisyo ang mga mamamayan. Ganito ilarawan ng mga kabataan sa pangunguna ng Kabataan Party-list ang sunud-sunod na taas singilin sa batayang mga serbisyo, sa kanilang isinagawang kilos-protesta sa Quezon City noong Hunyo 14. “Hindi pa nakakabayad […]

Sa K-12, OFWs lalong dadami

Binatikos ng Migrante International ang administrasyong Aquino sa magkakasalungat nitong mga pahayag hinggil sa paglikha raw ng trabaho sa Pilipinas at pag-eksport ng lakas-paggawa sa ibang bansa. Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, na pinabubulaanan ng pagpapatupad ni Aquino ng programang K-12 sa edukasyon ang sariling pahayag nito na dumarami ang trabaho sa bansa. […]

During opening of classes, youth groups again protest vs K-12, tuition hikes

Youth groups led by Kabataan Party-list opened the school year with protests against the full-scale implementation of K-12 program at Department of Education (DepEd)-National Capital Region office in Quezon City. Kabataan and other youth groups have criticized the said program, saying that it does not in improve the Philippine education system. Instead, the increase in […]

Groups slam ‘massive’ poll fraud, call for scrapping of PCOS machines in 2016

Public and private sector workers under Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) marched to Mendiola to show their anger at the “massive” election cheating in the election, allegedly controlled by President Aquino through the Commission on Elections (Comelec). The group claimed that the result of the 2013 mid-term election confirms their fears that widespread […]

PW espesyal na isyu hinggil sa dayaan sa halalan

Inilabas ng Pinoy Weekly noong nakaraang linggo ang espesyal na print issue hinggil sa dayaan sa eleksiyong 2013. Sa pamamagitan ng independiyenteng mga ulat ng PW, gayundin ng mga ulat at pagsusuri ng poll watchdogs, ipinapaliwanag sa isyung ito ang batayan ng mga akusasyon ng pandaraya. Pinakahuling naghayag ng paninindigang may naganap na pandaraya noong nakaraang […]