Manggagawa

Bonus na natanggap ng mga opisyal ng SSS, pinapasiyasat sa Kongreso

Pinapasiyasat ng Bayan Muna Party-list sa Kamara ang PhP 10-Milyong bonus na natanggap ng mga opisyal ng Social Security System (SSS). Sa House Resolution 369 na isinampa ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hiniling nitong ibalik ng mga opisyal ang naturang bonus. Pinapasiyasat din ng mambabatas ang pangtanggi ng SSS na itaas ang pensiyon ng […]

Mga opisyal ng SSS na tumanggap ng P10-M bonus, kinastigo

“Ang kakapal naman ng mukha ng Board of Directors ng Social Security System (SSS).” Ganito ang reaksiyon ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa pag-amin na tumanggap ng PhP10-Milyong bonus ang Board of Directors ng Social Security System (SSS), gayundin din ng Php276-M bonus sa iba pang empleyado nito. “Hirap na hirap na nga ang pensioners […]

Mga obrero muling nanawagan sa pagbasura sa kontraktuwal na paggawa

Disenteng trabaho, hindi kontraktuwal. Makabuluhang dagdag-sahod, hindi barya-baryang umento. Ito ang muling isinigaw ng ilang grupo ng mga manggagawa bilang paggunita nila sa World Day for Decent Work. Sa ilalim ng Action Against Contractualization and Towards Significant Wage Increase Now (ACT2Win), nagprotesta ang mga manggagawa sa Mendiola Bridge, Manila para ipanawagan ang pagbasura sa patakarang […]

Pagdepensa ng Palasyo sa pork barrel, DAP binatikos ng mga kawani, guro

Binatikos ng mga kawani ng gobyerno ang pagdepensa pa rin ng Malakanyang sa discretionary funds o pork barrel, kabilang ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na ginamit umano para “suhulan” ang ilang mambabatas para sa impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona noong nakaraang taon. Sinabi ni Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition […]

‘Kakarampot na dagdag-sahod sa Metro Manila, insulto sa mga obrero’

Dismayado ang militanteng mga manggagawa sa “kakarampot na dagdag” sa minimum na sahod sa Metro Manila na ipinatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), kulang pa rin ang PhP451 na basic pay sa mga manggagawa sa pribadong sektor, kung ikukumpara ito sa pangangailangan nila at kanilang mga pamilya […]

Dagdag-sahod ng obrero sa NCR, malabo pa

Maghihintay pa ng 30 araw ang mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) para malaman kung ibibigay ng gobyerno ang umentong hinihingi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP). Sa konsultasyon kahapon sa pagitan ng TUCP at Regional Wage Board, inihain ng dalawang kampo ng TUCP ang magkahiwalay na petisyon para sa P83 at […]

Obrero tutol sa dagdag-premium ng SSS

Muling nagpiket ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng tanggapan ng Social Security System para iprotesta ang panibagong iskema sa karagdagang kontribusyon ng mga kasapi ng Social Security System (SSS). Ayon sa KMU, dagdag pasanin umano para sa mga manggagawa ang dagdag sa premium na singil ng SSS. Hindi […]

‘Panunupil sa organisadong mga kawani ng gobyerno, itigil’

Nakiisa ang mga kawani ng gobyerno mula sa Canada sa panawagang itigil ang panghaharas at panunupil sa hanay ng katulad nilang mga kawani ng gobyerno sa Pilipinas. Ito ang naging kaisahan ng mga delegadong Canadian mula sa iba’t ibang organisasyon sa naturang bansa, matapos isagawa nila ang isang International Fact-Finding Mission hinggil sa pamamaslang at […]

Foreign labor activists raise alarm over union repression, belittle supposed PH growth

Foreign labor activists belied the Philippine government’s claim of a booming domestic economy that benefits local workers. They cited the many reports of continuing trade union repression, including that of the steel workers of Pentagon Steel Corp. in Quezon City. Labor rights advocates from the USA, Hong Kong, India, Indonesia, Bangladesh, Australia and Myanmar were […]