Manggagawa

Patuloy na pandarahas sa piketlayn ng manggagawa sa Pentagon kinondena

Kinondena ng sentro ng militanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pandarahas sa piketlayn ng mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp. sa Quezon City. Nagresulta ang huling insidente noong Hulyo 13 sa pagkamatay ng isang guwardiya ng kompanya at pagkakasugat ng isa pa. Ilang manggagawa naman ang nasaktan sa pamamato ng upahang goons ng […]

‘Pondo ng kawani, isinusugal ng GSIS’

“Isusubo na lang ng mga anak at ipangpapagamot namin, ipansusugal pa!” reaksiyon ni Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) hinggil sa pamumuhunan ng GSIS sa Leisure & Resorts World Corp. (LRWC). Iniulat sa midya na tumanggap ang LRWC ng naturang halaga mula sa GSIS para pondohan […]

‘Dagdag-sahod sa Setyembre, huli na, katiting pa’

“Late na nga ‘yan, malamang katiting pa lalo na kung idadaan sa wage board.” Ito ang reaksiyon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) matapos ianunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng magkaroon ng dagdag-sahod sa buwan ng Setyembre ang mga minimum wage earner sa National Capital Region. Sinabi ng grupo na katiting lang […]

Si ‘Anakpawis’ sa piketlayn ng mga obrero sa Pentagon

Kahit pumapatak ang ulan, alerto pa rin ang mga manggagawa. Makailang ulit na rin kasing pinagtangkaang buwagin ang kanilang piketlayn ng mga guwardiya at pulis. Ang iba, nakaupo sa mga kubol na natatabingan ng mga tolda, istrimer at plakard na ipinako sa dos-por-dos na kahoy. Ang iba naman, nakasilong sa kubol, nakikipagdiskusyon sa mga kabataang […]

Panghihimasok ng pulis sa welga ng manggagawa sa Pentagon, binatikos ng KMU

Binatikos ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Philippine National Police (PNP) sa panghihimasok at pakikipagsabwatan nito sa manedsment ng Pentagon Steel Corp. na dumulo sa komprontasyon ng mga manggagawa at pulisya. Habang sinusulat ito, aabot sa 100 pulis mula sa Quezon City Police Department at Special Reaction Unit ang nagkakampo sa loob ng pabrika. “Nakikipagsabwatan […]

Non-wage benefits ng gobyerno, di-sapat para sa obrero

Di makakatulong sa kagyat na pangangailangan ng mga manggagawa ang non-wage benefits na nakatakdang isapubliko ng gobyerno ngayong Mayo 31. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), na nagsabing sa halip daw na makatulong ay dadagdagan pa ang bayarin ng mga manggagawa, partikular na sa kontribusyon sa Social Security System (SSS). Sa pahayag sa […]

Mga obrero ng Coca-Cola: Kaligayahan sa paggiit ng karapatan

Kasiyahan daw ang dala ng pag-inom ng produktong ginagawa nila. Pero para sa mga manggagawa ng Coca-Cola, higit na mas masaya ang magtagumpay sa sama-samang pagkilos para sa kanilang mga karapatan. Naranasan ng mahigit 200 manggagawa ng Coca-Cola Bottlers Philippines Inc. sa Sta. Rosa, Laguna ang tagumpay na ito. Tatlong araw matapos itayo ang welga […]

Manggagawa ng Coca-Cola sa Laguna, nagwelga

Nagwelga ang mahigit 300 manggagawa ng dalawang planta ng Coca-Cola sa Sta. Rosa, Laguna. Kasama ang mga forklift operator, driver, hauler at picker, ikinandado ng mga manggagawa at hinarangan ang apat na gate ng Coca-Cola Bottlers Philippines, Inc. Panawagan nila: kaseguruhan sa trabaho, sahod at pagkilala sa itinayo nilang unyon. Inihayag ng Pagakakaisa ng Manggagawa […]

Mayo 1, 2013: Dambuhalang protesta vs ‘kontra-obrerong’ rehimen ni PNoy

Sinabi ni Pangulong Aquino na dapat daw magdiwang ang sektor ng paggawa sa Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa, dahil sa “good job” na ginawa ng administrasyon at naturang sektor. Pero ang sagot ng mga manggagawa: mas masidhing protesta at pagkondena. Humigit-kumulang 30,000 katao, mula sa iba’t ibang unyon, pederasyon at organisasyong masa ang lumahok […]