Buhay Pinoy

Pagpapadala ng OFW

Isang migranteng Pilipino sa Dubai, UAE ang nagpapadala ng perang pinaghirapan niya para sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Taun-taon, sinasabi ng gobyerno na remitans ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa. Pero tanong ng OFWs, ano ang ginagawa ng gobyerno para mapabuti ang buhay nila? (Kuha ni Ross Pivena sa Dubai, UAE)

Magandang tanawin, libreng ligo

Kahit malamig ang panahon, masaya pa ring maligo sa dagat ang mga binatilyong ito. Bagong pasyalan sa Legazpi City ang sinementong daan sa tabing-dagat na dating komunidad ng mga mangingisda mapalit sa komersiyal na istrukturang Embarcadero. Tanaw ang bulkang Mayon, libre pang mamasyal at maligo ang dating mga residente rito. Pero balak daw ng mga debeloper na magtayo ng mga komersiyal pang istruktura sa lugar -- kabilang ang casino. (Kuha ni KR Guda sa Legazpi City)

Para may pambaon

Masigasg siyang nagtitinda ng daing sa palengke ng Rosario, La Union sa umaga para may maibabaon at pamasahe sa pagpasok sa eskuwela sa hapon. (Soliman A. Santos)

Tagumpay ni Pacman, tagumpay din nila

Tumigil ang oras sa mga kasalda ng Kamaynilaan at iba pang lugar sa Pilipinas para manood ang mga tao sa tagumpay ni Manny Pacquiao kay Antonio Margarito sa Dallas Cowboys Stadium sa Dallas, Texas, USA. (Macky Macaspac)

Tropang Kano sa Sitio Agusuhin, Zambales

Dalawang sundalong Kano ang nakitang naglalakad, walang kasamahang sundalong Pilipino, sa Sitio Agusuhin, Subic, Zambales noong Oktubre 15. Bago ito, tumulong umano silang gumawa ng isang klasrum sa naturang sityo. Di armado ang mga Kano, pero pupuwede ba talaga silang gumala sa kabaryuhan ng lugar, (naka-fatigues, ibig sabihi'y may opisyal na lakad) nang walang sundalong Pinoy na sundalo na kasama dapat sa kanilang "ehersisyong militar"? (KR Guda)

Kanilang palaruan

Dahil walang malapit na mga parke o palaruan, itong overpass na lang sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ang ginagamit ng mga bata na slide.