Banat na buto, kapos na sahod
Sumasahod ng minimum wage sina Alfonso at Jason, at iba pang manggagawa ng isang pagawaan ng bakal. Pero malayung malayo ito sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Sumasahod ng minimum wage sina Alfonso at Jason, at iba pang manggagawa ng isang pagawaan ng bakal. Pero malayung malayo ito sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Nagpiket ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Kanilang kinondena ang pahayag ni Sek. Rosalinda Baldoz na hindi pa panahon upang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa. Ayon sa KMU, muli silang magmamartsa sa Nobyembre 30 (Araw ni Bonifacio) upang igiit ang panawagang dagdag sahod at laban sa malawakang kontraktuwalisasyon. (Macky Macaspac)
Bunsod ng pagpapatupad ng neoliberal na globalisasyon, iwinasiwas ng mga kapitalista ang iba-ibang iskema ng pleksibleng paggawa. Ang resulta: pagkawala ng karapatan sa kaseguruhan sa trabaho ng libu-libong manggagawa.
Madalas na ngang di kinikilala o binabayaran ang lakas-paggawa ng kababaihan, pinasasahol pa ito ng kontraktuwalisasyon, na pinagtibay ng Labor Code, mga utos ng Department of Labor and Employment, at ang desisyon kamakailan ni Pangulong Aquino hinggil sa kontraktuwalisasyon sa Philippine Airlines.
Baon sa utang at sasobrang trabaho, iginigiit ng mga empleyado ng pamahalaan ang P6,000 dagdag sa kanilang buwanang suweldo. Nilalabanan din nila ang kaliwa’t kanang atake ng Malakanyang sa kanilang ipinaglabang mga benepisyo at insentibo.