Manggagawa

Panganib sa trabaho

Dagdag na armas-legal ang RA 11058 o Occupational Health and Safety Law ng mga manggagawa para igiit ang kaligtasan nila sa trabaho. Pero mapagpasya pa rin ang sama-sama nilang pagkilos.

Duguan, lumalaban

Hiling lang nilang tupdin ang pangako ng Pangulo, ang mairegularisa sa trabaho. Matapos ang muling pandarahas sa kanilang piketlayn, lalong tumapang ang mga manggagawa sa NutriAsia. At suportado sila ng marami.

Regularisasyon ng mga kawani sa publikong sektor, iginiit

Pangunahing panawagan ng mga kawani ang pagbabasura ng Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2017 na inilabas ng DBM, Civil Service Commission at Commission on Audit bilang tugon ng gobyerno sa pagtigil ng kontraktuwalisasyon sa pampublikong sektor.

Pang-aapi ng PLDT

Natutulak ang mga manggagawa ng isa sa pinakamalaking kompanya ng telekomunikasyon sa bansa na lumaban dahil sa pag-igting ng pag-aalipusa sa kanila ng manedsment.