Komentaryo

Ang China, US, Scarborough at Balikatan

Madalas naitatanong kung bakit wala tayong protesta ngayon laban sa incursion ng Chinese fishing vessels at maritime surveillance ships sa Scarborough Shoal at bakit daw sa US lang nakatuon ang protesta ng Kaliwa. Ang katunayan niyan ay maaga pa lang nagpahayag na ang Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) laban sa Chinese incursion sa Scarborough Shoal at nanawagan din sa PH government na igiit ang soberanya ng Pilipinas.

Ang patuloy na katuturan ng laban ni Cory Aquino

Nakakulong ako sa Kampo Crame nang pumutok ang EDSA 1 noong Pebrero 22, 1986. Nahuli ako noong Enero 29, 1984. Buntis ako nang nahuli, ikinulong at nanganak sa loob ng Crame. Isa ako sa mga lumayang bilanggong pulitikal noong 1986 bilang bahagi ng tagumpay ng People Power at pagkaupo bilang pangulo ni Corazon “Cory” Aquino. […]

Mga plakard sa panahon ng Con-ass

Noon, nagpanukala ako ng “Mga Plakard sa Panahon ng ZTE.” Pumatok naman, lalo na ang “Zobra na, Tama na, Exit na!” na nakita kong ginagamit sa mga rali. Ngayon, dahil sa pagratsada ng Kongreso sa resolusyon nitong ipatawag ang constituent assembly para sa pagbabago ng Konstitusyong 1987, tiwala akong naghahanda na ang iba’t ibang grupong […]