Istorya ng Linggo

Foul play sa kamay ng tropang Kano?


Isang Pinoy na namatay habang nagtatrabaho bilang interpreter ng mga tropang Amerikano sa Marawi City ang hinihinalang naging biktima ng karumal-dumal na krimen. Pero pilit umanong itinatago ng mga awtoridad ang ebidensya nito.

Di maipaliwanag na mga sugat

Nang makuha ng pamilya Cardeño ang bangkay, nakita nila ang mga sugat sa leeg ni ni Gregan, gayundin ang tatlong sugat sa ulo na pawang natamo mula sa tama ng isang matigas na bagay. Nakita rin nila ang mga sugat na kanang paa, kaliwang hita, at kanang braso, na pawang tinusok ng isang matalim na bagay.

Ilan sa mga sugat na natagpuan sa bangkay ni Gregan, na pawang tinusok ng matalim na bagay. (Contributed Photo)
Ilan sa mga sugat na natagpuan sa bangkay ni Gregan, na pawang tinusok ng matalim na bagay. (Contributed Photo)

“Kung nagbigti ang isang tao gamit ang bedsheet, bakit may sugat na malalalim?” sabi ni Indayla. Umano’y itinanggi pa ni Rangiris, nang kapanayamin ng misyon, na may nakita itong mga sugat sa bangkay ni Gregan.

Sinabi ng misyon na sa autopsy na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI), hindi nakasaad ang ilang mga detalye, gaya ng paglaki ng scrotum at pagbuka ng anus ng biktima, na naoberserbahan ng kanyang pamilya.

Marso 4 lang din ito inilabas, o mahigit isang buwan matapos ang insidente. Umano’y ipinadala  pa ito ng mga awtoridad sa opisina ng NBI sa Maynila.

Samantala, nang makita ng kanyang pamilya ang bangkay, walang t-shirt, at nakasuot lamang ng cargo shorts si Gregan. Kaiba ito sa naunang mga litrato ng bangkay kung saan suot ni Gregan ang berdeng t-shirt at pantalon na maong.

Kuwento ng pamilya Cardeño, nang kunin nila ang mga personal na kagamitan ni Gregan mula sa Skylink noong Pebrero 8, nilabhan na ang kanyang mga damit. Wala ring laman ang kanyang cellphone—burado ang mga mensahe, talaan ng tawag, at litrato.

Nang kapanayamin ng misyon si Rangiris, sinabi nitong natagpuan nito ang cellphone na walang laman. Pero ayon kay Myrna, mismong cellphone ni Gregan ang ginamit ni Rangiris sa pagtawag sa kanya noong Pebrero 3.

Hindi rin umano maibigay ni Rangiris ang bedsheet na ginamit ni Gregan sa pagbibigti.

“Batay sa mga datos na ito, naniniwala kaming biktima ni Gregan Cardeño ng isang karumal-dumal na krimen sa loob ng barracks ng mga tropang US sa loob ng isang kampong militar…Dapat itong bigyan-pansin ng gobyerno,” ayon kay Lovella de Castro, pangkalahatang kalihim ng grupong Karapatan.

Humihiling ang pamilya Cardeño ng re-autopsy mula sa Commission on Human Rights, kung saan maghahain sila ng reklamo ngayong linggo. Sasampahan din ang mga opisyal ng pulisya at militar ng kasong obstruction of justice para sa umano’y pangwawasak ng ebidensya.

Magkakaibang pahayag

Re-autopsy ang hiling ng pamilya Cardeno. Magsasampa rin sila ng kasong obstruction of justice sa mga awtoridad na umanoy nangwasak ng ebisdensiya. (Ilang-Ilang Quijano)
Re-autopsy ang hiling ng pamilya Cardeño. Magsasampa rin sila ng kasong obstruction of justice sa mga awtoridad na umano'y nangwasak ng ebisdensiya. Nagsasalita sa pinaka-kanan si Grace Cardeño, kapatid ni Gregan. (Ilang-Ilang Quijano)

Iniulat pa ng misyon na magkakaiba ang mga pahayag nina Rangiris, Capt. Mike Kay, kumander ng mga tropang Kano sa Camp Ranao, at Col. Felix Castro, deputy brigade commander ng 103rd Brigade, hinggil sa insidente.

Inamin ni Rangiris sa misyon na personal na pumunta si Kay sa estasyon ng PNP para iulat ang insidente. Pero ayon kay Kay, tumawag lamang siya sa pulisya.

Sinabi rin ni Kay na alam nina Castro ang lahat ng mga aktibidad ng mga tropang US sa kampo; itinanggi naman ito ni Castro. Sinabi rin ni Castro na nalaman lang nila na inempleyo ng mga tropang US si Gregan nang mamatay ito; sinabi naman ni Kay na ang Philippine Army ang nag-empleyo kay Gregan.

Tumanggi rin ang mga tropang US na ipakita ang lugar na pinangyarihan ng insidente, ayon sa misyon.

Samantala, hinikayat ni de Castro ang iba pang mga Pilipino na posibleng biktima ng paglabag sa karapatang pantao ng mga Amerikanong sundalo na lumantad sa publiko para makamit ang hustisya.

“Ipinapakita nito na kahit sino sa atin ay pwede maging biktima ng ganitong mga kalse ng paglabag, lalo pa dahil ang US troops ay naghahari-harian at may sariling batas kahit nasa teritoryo ng Pilipinas. Sana sa kasong ito, maging maka-Pilipino ang gobyerno at pumabor yung imbestigasyon sa mga Pilipino, at hindi sa Amerikano,” aniya.