Balita

Tangkang ‘puwersahang’ pagpasa ng HR 1109 kinonenda ng senador

KINONDENA ni Sen. Francis Pangilinan ang tinatangkang “puwersahang pagpasa” ng House Resolution 1109 para sa pagbubuo ng Constituent Assembly na kabilang lamang ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Walang badyet, walang panahon, walang kakayahan ang Comelec sa referendum na binabalak nila. Kung bakit nila pinipilit ang Charter Change ay nakakapagtaka at nakakabahala. Sino […]

Militanteng kongresista nanawagan ng malawakang protesta laban sa ‘tiraniya ng mayorya’ sa Kamara

Binatikos ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano ang mga hakbang ng mayoryang maka-administrasyon sa Kamara para madaliin ang pagpasa ng House Resolution 1109 na magbubuo ng isang Constituent Assembly (Con-ass) para repasuhin ang Saligang Batas. Kaugnay nito, nanawagan si Mariano ng malawakang protesta laban sa pinakabagong hakbang ng mga alyado ng Malakanyang para maipasok ang mga […]

Mayorya, naniniwalang CARP di makakasugpo sa kawalan ng reporma sa lupa

Karamihan ng mga Pilipino ang hindi naniniwalang makakasugpo sa monopolyo ng pagmamay-ari sa lupa ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ayon sa sarbey ng Ibon Foundation, Inc., 67.6 porsiyento o mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang hindi solusyon ang CARP sa di-pagmamay-ari ng magsasaka sa lupang kanyang sinasaka. Sinabi rin sa sarbey na malaking bilang […]

Singil sa rehistrasyon, di nakaka-engganyo sa mahihirap na botante

Nanawagan si Gabriela Rep. Liza Maza sa Commission on Elections (Comelec) na gawing mas madali at abot-kaya sa mga botante ang proseso ng rehistrasyon lalo sa mahihirap.   Sa paglulunsad ng “Babae Ka, May Sey Ka!”, kampanya para maengganyo ang kababaihan na bumoto sa 2010 elections, sinabi ng kongresista na mahirap lalo para sa mga first-time […]

Panganib ng Pandacan Oil Depot, patuloy

Kinampihan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang tatlong malalaking kompanya ng langis sa pagpayag sa Petron, Caltex, at Shell na patuloy na gamitin ang kontrobersiyal na Pandacan Oil Depot. Kinondena ng Kalikasan-People’s Network for the Environment ang pagpirma ni Lim noong Mayo 28 ng City Council Ordinance 7177, na umano’y “pagbebenta” sa mga residente ng […]

Karapatan: Pagdukot sa Fil-Am, 2 pang aktibista hindi gawa-gawa

Kinondena ng  Karapatan and “malisyosong” mga pahayag ng Philippine Human Rights Committee (PHRC) kamakailan na gawa-gawa lamang ng grupong pangkarapatang pantao ang pagdukot sa isang Filipino-American at dalawang iba pang volunteer health workers sa La Paz, Tarlac. Sa isang pahayag noong Mayo 27, sinabi ng PHRC na gawa-gawa lamang ng karapatan at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang […]

Kongresistang nasa Order of Battle umalma

Tinuligsa ni Anakpawis Rep. Joel Maglunsod ang paglista sa kanya sa Order of Battle (OB) ng 10th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines sa rehiyon ng Southern Mindanao, kasama ang isa pang progresibong kongresista at lider. “Nakakapangamba ito sa kalagayang nagpapatuloy pa ang mga kaso ng ekstrahudiyal na pamamaslang at pagdukot. Ni walang […]

10 taon ng VFA: Pinas di mas ligtas –Bayan

Sinalubong ng protesta ng Junk VFA Movement, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Gabriela, at iba pang mga grupo ang 10 taong anibersaryo ng Visiting Forces Agreement (VFA) noong Mayo 27, tatlong araw bago ang napapabalitang pagbisita ni US Defense Secretary Robert Gates sa Pilipinas. Nagmartsa ang mga demonstrador mula Kalaw at Taft Ave. patungo sa Rajah […]