Balita

(UPDATED) Dinukot na Fil-Am inilitaw, 2 pang aktibista hinahanap

melissa-roxas

Melissa Roxas (Larawan mula sa Bayan-USA)

(UPDATED, May 25 5 p.m.) Nananawagan ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa gobyernong Arroyo na agad na ilitaw ang mga kasamahang volunteer health workers ni Melissa Roxas, isang Filipino-American, na dinukot umano ng hinihinalang mga sundalong militar noong Mayo 19, 1:30 pm sa Sitio Bagong Sikat, Bgy. Kapanikian, La Paz, Tarlac.

Kinumpirma ni Renato Reyes Jr., noong Mayo 25 nang umaga na pinalaya na ng mga dumukot sa kanya si Roxas. Gayunman, hindi pa rin natatagpuan ang dalawang kasamahan niya hanggang sa pagkakasulat nito.

Si Roxas ay miyembro ng Bayan-USA at ng grupong pangkultura na Habi Arts na naka-base sa Los Angeles, California.

Kasama niyang dinukot sina Juanito Carabeo at John Edward Handoc, pawang volunteer health workers.

Ayon sa ulat ng Karapatan at pulisya ng La Paz, dinukot ang tatlo ng walong armadong kalalakihan. Nakasuot ng bonnet ang mga ito at nakasakay sa dalawang motorsiklo at isang Besta van na walang mga plate number.

Si Roxas ang unang kaso ng pagdukot sa isang aktibistang Fil-Am.

Pangungunahan ng Karapatan ang paghahanap sa tatlo. Nanawagan ang Bayan sa pandaigdigang komunidad na ipresyur ang gobyernong Arroyo na agad umaksiyon para mailitaw  nawawalang mga aktibista.

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Karapatan: Pagdukot sa Fil-Am, 2 pang aktibista hindi gawa-gawa
  2. Dinukot na kabataang aktibista, ilitaw –Anakbayan
  3. Kaso laban kay Atty. Saladero, iba pang aktibista, ibinasura
  4. Melissa Roxas, pabalik ng Pilipinas, determinado sa pagpatuloy ng kaso vs gobyernong Arroyo
  5. Aktibista sa Aklan, unang pinaslang sa administrasyong Aquino

Discussion

No comments for “(UPDATED) Dinukot na Fil-Am inilitaw, 2 pang aktibista hinahanap”

Post a comment

Opinyon

Neoliberalism Reloaded

(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.

Read on