Pinoy Weekly

Mga larawan: Bakwit at ligalig sa sariling tahanan

evac-center1

Noong nakaraang taon, sa walong probinsya ng Autonomous Region for Muslim Mindanao naganap ang pinakamalaking paglikas sa buong mundo sanhi ng giyera—umabot sa mahigit 600,000 ang bilang ng mga bakwit, ayon sa Internal Displacement Monitoring Center.

Tinataya ng NDCC na 200,000 ang hanggang ngayo’y hindi pa nakakabalik sa kani-kanilang tahanan. Pinakamalaki ang konsentrasyon ng mga bakwit sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao. Umaabot ito sa 37,368 indibidwal.

Tinataya ng NDCC na 200,000 ang hanggang ngayo’y hindi pa nakakabalik sa kani-kanilang tahanan. Pinakamalaki ang konsentrasyon ng mga bakwit sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao. Umaabot ito sa 37,368 indibidwal.

checkpoint2

Deklaradong nasa state of calamity pa rin ang probinsiya kung saan nagpapatuloy ang opensiba ng Armed Forces of the Philippines laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Normal na para sa mga sibilyan ang maya’t mayang tsekpoint sa haywey.

bakwit-under-school

Sa Datu Gumbay Evacuation Center, nagtatago ang mga bakwit sa ilalim ng eskuwelahan tuwing may pagmomortar ang militar. Ayon sa grupong Bantay Ceasefire, dumaraming bakwit ang mga namamatay sa cardiopulmonary shock o pagkagulat, partikular ang mga bata at matatanda.

crying-baby

Halimbawa, namatay sa Datu Gumbay Evacuation Center ang 10 araw na sanggol ni Daniel Bajunaid nang matapos ang isang round ng pagmomortar bandang 10:30 ng umaga noong Mayo 5. Ang kuha sa itaas ay ang dalawang buwang sanggol na ipinanganak sa Notre Dame Evacuation Center.

schoolchildren

Suwerte pang nakakapasok sa paaralan ang mga estudyanteng ito. Ayon sa Department of Education, sa mahigit 10,000 na school age na bata sa Datu Piang, mahigit 4,000 lamang ang nakakapag-aral.

1 2 3 4

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2495

Posted by on Jul 6 2009. Filed under Lathalain, Multimedia, Photo Essays. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “Mga larawan: Bakwit at ligalig sa sariling tahanan”

  1. [...] Halos isang taon nang suspendido ang normal na buhay ng mga sibilyang Moro. Hindi makapaghanapbuhay o makapagpaaral ng mga anak ang karamihan. Namamayani ang gutom, sakit, at takot sa ligaw na mga mortar at bala na araw-gabing nangangahulog mula sa langit. (Tingnan ang kaugnay na storya at mga larawan hinggil sa mga bakwit) [...]

  2. [...] Mga larawan: Bakwit at ligalig sa sariling tahanan Angel Locsin, bumisita sa evacuation center sa Munai, Lanao del Norte Paalam, Ka Wilson [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes