Balita

Pagbawal ng protesta sa bahay ng mga opisyal ng gobyerno, ipinanukala ni Dato Arroyo

Rep. Dato Arroyo (mula sa website ng Kamara)

Rep. Dato Arroyo (mula sa website ng Kamara)

Gustong ipagbawal ni Camarines Sur Rep. Dato Arroyo ang pagprotesta sa harap ng bahay ng mga pampublikong opisyal na naaakusahan ng korupsiyon o pagkakasangkot sa anomalya.

Sa isang press release na inilabas ng kanyang tanggapan, sinabi ng anak ni Pangulong Arroyo na “hindi absoluto” ang karapatan ng mga mamamayan para maghayag ng kanilang mga hinaing hinggil sa panunungkulan ng mga pulitiko at opisyal.

“Maaaring sagkahan ang karapatan ng taumbayan na mapayapang magtipon para ihayag ang mga hinaing nila kung sumasalungat na ito sa ikabubuti ng mas marami,” sabi ni Arroyo.

Sinabi pa ni Arroyo na puntirya ng naturang panukalang batas ang mga raliyista na hindi nagtatangi sa pagitan ng paghahayag ng mensahe sa publiko at nanggugulo sa pribadong bahay.

Pero sinabi naman ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan na hindi na kailangan ang batas na ipinapanukala ni Arroyo.

“Una, sapat at sobra pa nga ang batas na nagre-regulate sa mga rallies at kalayaang magpahayag at magptipon. Bakit kailangang dagdagan pa?” ani Reyes.

“Ikalawa, sino ba ang makikinabang sa batas na yan? Sa dinamidami ng problema ng bayan, bakit uunahin pa ang panukalang batas na ang makikinabang lang ay iiliang mga pulitiko (hal. pamilyang Arroyo),” sabi pa niya.

Sinabi pa ni Reyes na maaaring magtakda ng masamang precedent sa pagbabawal ng mga kilos-protesta sa iba pang lugar.

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Tortyur, opisyal na polisiya ng gobyernong Arroyo – Karapatan
  2. Pagpaslang sa lider-magsasaka, tugon ni Arroyo sa protesta sa Con-Ass?
  3. Sentenaryo ng Marso 8, ipagdiriwang sa protesta kontra Arroyo
  4. Tsuper at opereytor, nagpiket sa bahay ni Aquino
  5. Bahay ng 384 pamilya, dinemolis sa San Pedro, Laguna

Discussion

No comments for “Pagbawal ng protesta sa bahay ng mga opisyal ng gobyerno, ipinanukala ni Dato Arroyo”

Post a comment

Opinyon

Alex Remollino: Makata mula sa Malayo

(1) Hindi kami personal na magkakilala ni Alexander Martin Remollino, makabayang manunulat at makata. Hindi ko alam, bagamat may ilang pagkakataong nagkasama kami sa pulong o aktibidad, hindi kami personal na naipakilala sa isa’t isa. Pero kilala ko siya, syempre, dahil nakikita ko ang pangalan niya sa mga tula at sanaysay na umiikot sa mga sirkulong aktibista. Tapos nakikita ko siya – matangkad, mahaba ang buhok, parang laging may gustong sabihin – sa maraming pagkakataon. Syempre pa, mataba siya noon. Nitong huli’y pumayat siya nang napakabilis. At dahil hindi naman ako taong mapanghusga, naisip ko lang na siguro’y nagdodroga siya. Iyun pala, iba na.

Read on