Pinoy Weekly

Lider-obrero ng KMU pumanaw na

Si Ka Wilson Baldonaza (Video grab mula sa May Day Productions)

Si Ka Wilson Baldonaza (Video grab mula sa May Day Productions)

Pumanaw na si Wilson Baldonaza, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa bansa, ngayong Hulyo 1, sa Manila Christian Hospital sa Caloocan City. 55 anyos siya.

Inatake ng stroke noong Hunyo 5 si Baldonaza dahil sa mga komplikasyon sa kanyang puso, baga, apdo at atay. Noong binawian siya ng buhay, nasustine si Baldonaza ng isang respirator.

Miyembro si Baldonaza ng Samahan ng Demokratikong Kabataan, isang militanteng organisasyong pangkabataan, sa University of the East bago ang Batas Militar noong 1972. Matapos ang Batas Militar, nagtrabaho siya sa kanyang bayang pinagmulan na Victoria, Tarlac, gayundin sa Manila.

Naging lider-manggagawa si Baldonaza noong 1985, nang maging bise presidente, at kalauna’y presidente, ng unyon ng mga manggagawa sa Mabuhay Textile Mills. Nagsilbi rin siya bilang pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan sa Valenzuela mula 1987 hanggang 1990.

Siyam na taon ang nakaraan, nagsilbing mananaliksik at edukador si Baldonaza ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research, isang institusyong maka-manggagawa.

Noong 2000, naging organisador siya ng Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations, isang pederasyon ng KMU. Nahalal siya na pangulo nito noong 2002.

Dahil sa kanyang karanasan, sipag at talino bilang militanteng unyonista, nahalal si Baldonaza bilang pangkalahatang kalihim ng KMU noong 2007.

Naghahanda ang KMU ng luksang parangal para sa yumaong lider nito. Nagkakampanya rin ang iba’t ibang solidarity group sa ibang bansa para makalikom ng karagdagang pondo para sa gastusin sa kanyang burol.

Bidyo na ginawa ng May Day Productions para sa pangangalap sana ng suportang pinansiyal para sa pagpapa-ospital kay Baldonaza:

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2391

Posted by on Jul 1 2009. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes