Bago ang $20,000 kainan sa New York, kumain sa halagang $15,000 si GMA sa Washington DC – ulat
Iniulat ng pahayagang Washington Post na bago ang grandiyosong kainan ni Pang. Arroyo at 25 kasamahan sa restawran na Le Cirque sa New York City noong Agosto 2, kumain muna siya at 65 iba sa isang restawran sa Washington DC sa halagang $15,000 o mahigit P700,000.
Ayon sa naturang pahayagan, may mapagkakatiwalaang impormante na nakapagsabi sa kanila na noong Hulyo 30, matapos ang pulong ni Arroyo at US Pres. Barack Obama, pumunta si Arroyo kasama ang 65 iba pa (kasama umano rito ang mga security at food tasters) sa Bobby Van’s Steakhouse at kumain doon.
“The group took over one of the restaurant’s private rooms and dined on lobster, steak and fine wines,” ayon sa Washington Post.
Matapos kumain, isang di-kilalang babae ang nagbukas umano ng isang bag na puno ng pera at nagbilang ng pera para bayaran ang $15,000 na tab.
Matapos ang nabalitang grandiyosong kain ni Arroyo sa New York na naiulat sa New York Post, kinondena ng militanteng mga grupo ang pagwaldas diumano ni Arroyo ng pera sa kabila ng matinding kahirapan sa bansa at pagkamatay ni dating pangulong Cory Aquino.
“Di ko na alam paano talaga mabibigyang katwiran pa (ng kampo ni Arroyo). Ika nga, not once, but twice,” inisyal na reaksiyon ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), nang makontak ng Pinoy Weekly hinggil sa ulat ng Washington Post. “Kung totoo man ito, dapat na sigurong mag-apologize ang Palasyo. At kung maari, full disclosure ng gastos nila.”
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3424














not good to the filipino people,this shows that arroyo administration have no “delikadisa” 1M for one launch only can cost of 1M???????????
[...] sa New York. Sa pagkakataong ito, umabot naman umano ang tab sa halagang $15,000. Basahin ang aming kaugnay na balita. – [...]