Pinoy Weekly

Pakikipagsapalaran ng mga katutubo

     Effigy ng mga demonstrador, sali kontra sa masamang rekord sa kalikasan ng gobyernong Arroyo. (Contributed Photo)

Effigy ng mga demonstrador, sali kontra sa masamang rekord sa kalikasan ng gobyernong Arroyo. (Contributed Photo)

Mula sa mga kabundukan sa bansa, nandoon sila sa Mendiola noong Agosto 14 – mga katutubo, nagmartsa, nagprotesta.

Pagdiriwang noon ng International Day of the World’s Indigenous Peoples ng United Nations (UN). Ang dating naitulak ng nag-aastang “sibilisadong” mga tao sa liblib na mga lugar sa bansa, ngayo’y nasa sentro ng kapangyarihan ng bansa, iginigiit at itinutulak ang kanilang mga karapatan at hinaing.

Pinamunuan ng Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP), ang naturang protesta. Ayon sa grupo, pagpapakita ito ng “pagkakaisa at pamununo sa laban ng mga katutubo sa bansa at buong mundo para sa pagtataguyod at pangangalaga sa kanilang batayang mga karapatan.”

Kabilang na dito ang karapatan sa pagbungkal ng lupa, paglinang ng kultura, pagpapa-unlad ng kabuhayan at pagtatanggol sa sarili laban sa panunupil. Samantala, ang batayang serbsiyo umano’y tila luhong ilan lamang ang napagkakalooban.

Pagtataboy mula sa tahanan, pangmamaliit at paglabag sa karapatang pantao ang pang-araw araw umanong hinaharap ng mga katutubo sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Pagpapalayas sa ‘lupang ninuno’

Ayon sa KAMP, simula nang maupo ang pangulo sa kapangyarihan, lalong tumindi ang pangangamkam sa lupa ng mga katutubo.

Ayon sa grupo, atat ang pangulong ipagbili ang mga lupang ito sa dayuhang mga korporasyon kaya’t “binabaliktad” nito ang kasalukuyang mga polisiya kaugnay nito. Karamihan sa mga korporasyong ito ay bahagi ng industriya ng pagmimina, na isa sa mga prayoridad ng adminstrasyon sa ilalim ng Medium Term Philippine Development Plan (MTPDP).

Kaugnay nito, ipinatupad ang National Mineral Policy (NMP). Bahagi ito ng binabansagan ng adminsitrasyon na “extractive industry” na magpapasikad umanong muli sa ekomomiya ng bansang sinalanta ng pandaigdigang krisis pampinansiya.

Bahagi naman ng NMP ang mga “mining priority project.” Batay sa pag-aaral ng KAMP, mayroong 64 na proyekto sa pagmimina na sumasakop naman sa 220,000 ektarya ng lupa. Dagdag ng grupo, 39 sa 64 na proyektong ito ay sumasakop sa “lupang ninuno” ng mga katutubo.

Sa kasalukuyan, ayon kay Tyrone Beyer ng Tignayan dagiti Agtutubo iti Kordilyera parati Demokrasya ken Rang-ay o Takder, umabot sa 66 porsiyento ng mga lupain sa Kordilyera ang nasasakupan ng iba’t ibang “mining application” na pag-aari ng mga dayuhang kompanya at mga subsidaryo.

Sa Mindanao, 19 na proyekto ang nasa lupang ninuno ng mga Lumad.

Proyektong pang-enerhiya

Batay naman sa Philippine Energy Plan ng MTPDP, pitong priority hydroeletrcic dam ay nakatayo o itatayo sa loob o malapit sa komunidad ng mga katutubo. Nakakalat ang mga proyektong ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa: Pangasinan (San Roque Multi-Purpose Dam Project), Ifugao (Matuno River Development Project), Panay (Pan-ay River Dam) at Mindanao (Pulangi Hydropower Dam).

Pinakamatunog sa mga proyektong ito, ayon sa KAMP, ang Laiban Dam na nasa pagitan ng Quezon at Tanay, Rizal. Nagpautang ang Asian Development Bank ng halagang $3.3 Milyon noong 2003 para maisakatuparan ang proyekto.

Itataboy umano nito ang may 10,000 katutubo at magsasaka. Bukod dito, batay sa pag-aaral ng KAMP, ilulubog nito ang walong komunidad na sakop ng lupang ninuno ng mga Dumagat.

Ayon pa sa grupo, ipagpapatuloy pa ng gobyernong Arroyo ang pagpapainit ng usapin ng umano’y kakulangan sa tubig upang “itago ang tunay na interes ng malalaking lokal at dayuhang kompanya sa likas na yaman ng bansa para sa kanilang sariling negosyo at tubo.”

Sa pagtataboy umano sa mga katutubo, nagiging mas bulnerable sila sa samu’t saring pananamantala at pang-aapi.

email

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3489

Jeffrey Ocampo Posted by on Aug 17 2009. Filed under Features. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Follow and Subscribe

Features

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes
More in Features (825 of 920 articles)