Sports

Team Pilipinas, umaarangkada sa 25th FIBA-Asia


Ito na ang pagkakataon na mapatunayan ng Team Pilipinas ang kanilang halaga sa internasyunal na kompetisyon. Matapos ang kanilang pakikipagsapalaran noong isang buwan sa 31st William Jones Cup, nakuha nila ang kanilang momento sa kasalukuyang 25th FIBA-Asia Men’s Basketball Championship na ginaganap sa Tianjin, China. Sinibak nila ang Sri Lanka (115-31) at nilampaso ang Japan […]

Ito na ang pagkakataon na mapatunayan ng Team Pilipinas ang kanilang halaga sa internasyunal na kompetisyon.

Matapos ang kanilang pakikipagsapalaran noong isang buwan sa 31st William Jones Cup, nakuha nila ang kanilang momento sa kasalukuyang 25th FIBA-Asia Men’s Basketball Championship na ginaganap sa Tianjin, China.

Sinibak nila ang Sri Lanka (115-31) at nilampaso ang Japan (78-69) sa makisig na paglalaro ng mga beteranong manlalaro na kinuha mula sa Philippine Basketball Association.

Nakuha man nilang maka-amanos sa Japan na tumalo sa kanila sa Jones Cup, yumulo pa rin sila sa South Korea, 69-56. Nag-aasam ang Korea na kunin ang kampeonato sa Asya.

At sa kahuli-hulihang laban ng mga Nationals, nakawala sila sa mahigpit na laban mula sa Chinese Taipei at makakuha pa ng isang panalo. May karta nang 2-1 ang Pilipinas, ang isang panalo ay tinanggal mula sa pagkaka-eliminate ng Sri Lanka sa kompetisyon.

Isang panalo na lamang ang kakailanganin ng koponan upang makaseguro ng magandang pagpasok sa quarterfinals. “I feel relieved because I think we have one foot in the door already in the top eight. Of course, we still need to assure ourselves by winning one more game, pero tingin ko kaya naman,” saad ni coach Yeng Guiao. Ito ay sa likod ng isang mabigat na asignaturang kakaharapin nila. Sasabak ang koponan kontra sa Iran bukas, at sa Kuwait sa Miyerkules.

(UPDATE 08-11-2009: IRAN NIPS RP, 88-78)

Mahalaga ang pagkakapasok na ito ng bansa sa pandaigdigang torneo, dahil huling nakapasok ang Pilipinas sa kompetisyon noong 1978 kung saan ang bansa rin ang nag-host. Ang kasalukuyang torneo din ay magsisilbing tapakan upang makapasok ang mga magsisipagwaging koponan sa 2010 World Basketball Championship na gaganapin sa Turkey.

Nasa susunod na pahina ang tala ng Pilipinas sa kompetisyon.