Uncategorized

Nasalanta ng Ondoy sa Novaliches: Gulod ang isa’t isa


Noong Oktubre 6, namigay naman ng mga pagkain at damit sa halos 200 pamilya ang Tulong Obrero, relief mission na pinangungunahan ng Anakpawis, Kilusang Mayo Uno, Crispin B. Beltran Resource Center, at Ecumenical Institute for Labor Education and Resource. Kaiba sa mga relief mission ng malalaking pribadong organisasyon na nagmumula ang rekurso sa mga kompanya […]

Sa mga biktimang naapektuhan, pansamantala lamang ang ayuda. Pero sa kanilang pagkakaisa, pangmatagalang paglaban ang tinatanaw na pag-asa. (Ilang-Ilang Quijano)
Sa mga biktimang naapektuhan, pansamantala lamang ang ayuda. Pero sa kanilang pagkakaisa, pangmatagalang paglaban ang tinatanaw na pag-asa. (Ilang-Ilang Quijano)

Noong Oktubre 6, namigay naman ng mga pagkain at damit sa halos 200 pamilya ang Tulong Obrero, relief mission na pinangungunahan ng Anakpawis, Kilusang Mayo Uno, Crispin B. Beltran Resource Center, at Ecumenical Institute for Labor Education and Resource.

Kaiba sa mga relief mission ng malalaking pribadong organisasyon na nagmumula ang rekurso sa mga kompanya at mayayamang indibidwal, nagmula ang kalakhan ng relief goods ng Tulong Obrero mula sa mga kasaping unyon ng KMU—manggagawa gaya ng mga residente ng Brgy. Gulod. Nagmula rin ito sa pagsisikap ng mga aktibistang miyembro ng Anakpawis na mag-ikot sa mga pribadong subdibisyon para humingi ng tulong mula sa mga nagmamalasakit na residente dito.

Mapagkumbaba ang paliwanag ni Nitz Gonzaga, tagapangulo ng KMU-Women’s Desk, sa mga residenteng inaabutan niya ng stub na kapalit ng isang kilos bigas, noodles at de-latang sardinas, at isang supot ng lumang damit. “Hindi po kami gobyerno kaya pagpasensyahan niyo na ang tulong na ito,” aniya.

Gayunpaman, tuwang-tuwa ang mga residente na anila’y hindi pa nakakatanggap ng ibang tulong-panlabas simula nang masalanta.

Alas-singko ng hapon nang magsimula ang pamimigay ng relief goods sa Joan of Arc Parish, isang maliit na chapel na noo’y puno ng mga sakong damit at pagkain. Pero naubos din ang mga ito sa loob lamang ng 30 minutos.

Malinaw na marami pang residente ang nangangailangan. Isang matandang babae na bitbit ang kanyang anak ang humabol pa sa dyip para sabihin na siya man ay inanod ang bahay at walang naisalbang kagamitan, maaari rin ba siyang bigyan?

Nangako na lamang ang Tulong Obrero na muling mangangalap ng mga rekursong puwedeng ipamigay sa mas maraming residente—at sa mas maraming komunidad gaya ng Brgy. Gulod. Ito pa lamang ang pang-pitong araw ng kanilang misyon, at marami pang kasunod.

Sinabi ni Senorin na bago pa man ang Ondoy, naroroon na ang grupo sa komunidad, tumutulong sa anumang paraan. Higit pa rito, nagmumulat ito sa hanay ng mga residente hinggil sa kanilang abang kalagayan at kung paano sila sama-samang aangat. “Ngayon higit kailanman, kailangan namin ang isa’t isa. Lalo’t malinaw na walang maaasahan mula sa ating gobyerno,” aniya.

Panoorin ang video para malaman kung paano makakatulong: