Larawan: Kapwa mamamahayag naghangad ng agarang hustisya sa masaker sa Maguindanao

Nagtirik ng kandila ang mga mamamahayag at iba pa para humiling ng agarang hustisya sa pagpaslang sa mahigit 50 katao sa Maguindanao, kabilang ang di bababa sa 21 mamamahayag. Pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines ang mga panalangin at pagtirik ng kandila sa Boy Scout Monument sa Quezon City. (KR Guda)

Nagsuot ng itim na armbands ang mga mamamahayag bilang protesta sa karumal-dumal na masaker na nagdulot ng pagbansag ng Pilipinas bilang "pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag," ayon sa International Federation of Journalists. (Ilang-Ilang Quijano)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5148













