Pinoy Weekly

Mga Larawan: Hustisya sa mga biktima ng Ampatuan massacre, hiniling sa Araw ni Bonifacio

Nagmartsa ang militanteng mga grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan para kondenahin ang diumano’y “culture of impunity” at tumitinding pasismo ng Estado na dumulo sa masaker sa mahigit 60 katao sa Ampatuan, Maguindano noong Nob. 23.

Pero sa pagkakataong ito, kasama nila ang mga mamamahayag na dati’y nagkokober lamang sa kanila. Kinondena ng mga mamamahayag sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines, National Press Club at Philippine Center for Photojournalism ang pagpatay sa 30 mamamahayag sa Ampatuan. Ayon sa NUJP, kung hindi sapat na mareresolba ang kaso, hinihiling nila ang pagbaba sa puwesto ni Arroyo.

Bago matapos ang programa, dumating sa rali si Press Secretary Cerge Remonde, na umano’y magpapahayag ng pakikiisa sa pagkondena sa naganap sa Maguindanao. Ngunit nalunod ng hiyaw at “boo” ang kanyang talumpati. Nagawa pang pagbabatuhin ng papel at dahon mula sa mga halaman sa Mendiola ang naturang opisyal ng Malakanyang.

Naganap ang rali sa Araw ni Andres Bonifacio, Nobyembre 30.

Martsa ng mga mamamahayag mula UST patungong Mendiola, bitbit ang simbolikong mga kabaong ng aabot sa  mamamahayag na napaslang sa masaker sa Ampatuan, Maguindanao.  (Sarah ").

Martsa ng mga mamamahayag mula UST patungong Mendiola, bitbit ang simbolikong mga kabaong ng aabot sa mamamahayag na napaslang sa masaker sa Ampatuan, Maguindanao. (Sarah Raymundo).

Mga motorista na lumahok sa martsa patungong Mendiola. (Sarah Raymundo)

Nagsagawa ng protestang "die-in" ang mga militante para isalarawan ang malagim na kinahinatnan ng mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao. (Sarah Raymundo)

Pangalan ng mga mamamahayag na napaslang sa Ampatuan Maguindanao, nakapaskil sa paanan ng rebulto ni Don Chino Roces sa Mendiola. (KR Guda)

Si Ilang-Ilang Quijano, online editor ng Pinoy Weekly at direktor ng National Union of Journalists of the Philippines, na kumatawan sa mga mamamahayag na aniya'y hindi naman sanay na magsalita sa rali pero ngayon ay naitulak ng kaganapan sa Ampatuan upang manindigan laban sa kultura ng impunity sa bansa. (KR Guda)

Ilan sa mga mamamahayag ng UNTV na nakiisa sa protesta. Isang buong team ng UNTV ang pinaslang habang nagkokober sa Ampatuan, Maguindanao noong Nob. 23. (KR Guda)

Pagluluksa sa mga napaslang sa Ampatuan, Maguindanao, kabilang ang  mamamahayag. (KR Guda)

Si Bibeth Orteza ng Pagbabago (People's Movement for Change), na pinagmumura si Pang. Arroyo na nagkunsinti umano sa culture of impunity sa bansa. (KR Guda)

Nakiisa ang mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno sa paghangad ng hustisya sa mga biktima ng masaker sa Maguindanao. (KR Guda)

Likhang sining ng mga artistang kabataan sa ilalim ng Anakbayan at Kabataan Partylist. (KR Guda)

Nagsalita sa programa si Joan Bondoc, photojournalist mula sa Philippine Daily Inquirer at tagapangulo ng Philippine Center for Photojournalism, para ihayag ang pagluksa at paghangad ng hustisya ng mga photojournalist. (KR Guda)

Ipinunto ni Gabriela Rep. Liza Maza na 20 sa mga biktima ay kababaihan. Nais umano ng mga salarin ng karahasang ginamit sa mga kababaihan na manatili na lamang ang kababaihan sa bahay. (KR Guda)

Isang photojournalist at ang panawagan niyang hustisya sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan. (KR Guda)

Pumunta si Cerge Remondo sa rali para makipagdiyalogo diumano sa mga nagpoprotesta. Ngunit agad siyang sinalubong ng "boo" nang pumunta sa harap ng rali kung saan nagaganap ang programa. (KR Guda)

Pumunta si Cerge Remondo, press secretary ni Pangulong Arroyo, sa rali para makipagdiyalogo diumano sa mga nagpoprotesta. Ngunit agad siyang sinalubong ng "boo" nang pumunta sa harap ng rali kung saan nagaganap ang programa. (KR Guda)

Nakipag-usap si Press Secretary Cerge Remonde kina Renato Reyes Jr. ng Bayan (kaliwa), Bayan Muna Rep. Satur Ocampo (naka-asul) at Gabriela Rep. Liza Maza (naka-pink) bago umakyat sa entablado. (KR Guda)

Hindi na halos marinig ang pagsasalita ni Remonde habang patuloy ang paghiyawan ng mga militante sa itinuturing nilang tagapagsalita ng pangunahing salarin ng pamamaslang, hindi lang sa Maguindanao, kundi sa mga aktibista sa buong bansa. (KR Guda)

Nagliparan ang mga dahon mula sa mga pananim sa Mendiola patungo sa nagtatalumpating si Press Sec. Cerge Remonde. (KR Guda)

Nagwakas ang rali sa pagtali ng itim na ribbon sa barbed wire ng Mendiola, sa pangunguna ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo. (KR Guda)

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5214

avatar Posted by on Nov 30 2009. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Mga Larawan: Hustisya sa mga biktima ng Ampatuan massacre, hiniling sa Araw ni Bonifacio”

  1. tama ipag laban natin stop kiling journalist!

Leave a Reply

Follow and Subscribe

Subscribe to me on YouTube

Features

Multimedia

Pinoy Print Issues

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Log in | Designed by Gabfire themes