Mga Larawan: Protesta para sa hustisya sa Maguindanao, karapatang pantao noong Disyembre 9 at 10

Sa kilos-protesta ng mga grupong pangkarapatang pantao sa Mendiola Bridge, Manila noong Disyembre 10, isang pagsasadula sa pang-aabuso ng mga militar sa mga sibilyan. (Ilang-Ilang Quijano)

Pinunit ng mga lider-militante ang larawan ni Pang. Arroyo bilang pagkondena sa malagim na rekord ng rehimen niya. (Ilang-Ilang Quijano)

Martsa ng mga grupong pangkarapatang pantao, kasama ang mga mamamahayag, noong noong Global Day of Action against Impunity noong Disyembre 9. Nanawagan ang mga mamamahayag at iba pang sektor ng hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23. Binatikos din nila ang deklarasyon ng batas militar sa Maguindanao. (King Catoy)

Pagdating ng martsa sa Mendiola Bridge, Manila noong Disyembre 9. Sa unang pagkakataon nagsagawa ng kilos-protesta ang mga mamamahyag sa makasaysayang Mendiola. (King Catoy)

Pagbabasa ni Kenneth Guda ng mensahe ng Pinoy Weekly bilang pakikiisa sa paghangad ng hustisya sa mga biktima ng masaker sa Maguindanao. ((Ilang-Ilang Quijano)

Nagsalita sa pagkilos ng mga mamamahayag si Mike Dobbie, kinatawan ng International Federation of Journalists, para humiling ng hustisya para sa mga mamamahayag ng biktima ng masaker sa Maguindanao. ((Ilang-Ilang Quijano)

Nakausot ng itim bilang pagluluksa sa mga kasamahang biktima ng masaker, taimtim na nakikinig at nagkokober ang mga mamamahayag sa programa sa Mendiola noong Disyembre 9. Matapos ang masaker sa Maguindanao noong Nobyembre 23, itinuturing na ang Pilipinas bilang pinakapeligrosong lugar sa mundo para sa mamamahayag. (Ilang-Ilang Quijano)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5485















bk8 poe wlng larawan ng mga karapatang pantao? sana posa sunod ay b myron na!!
bk8 po alang larawan ng mga karapatang pantao sana sa sunod ay myron na!!