Pinoy Weekly

Mga larawan: Kaanak ng biktima ng masaker sa Ampatuan, bumalik sa pinangyarihan ng krimen

May 150 katao, kabilang ang kamag-anak ng mga biktima ng masaker sa Ampatuan, ang bumalik sa pinangyarihan ng karumal-dumal na krimen sa Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao, dalawang buwan makalipas ang masaker noong Nobyembre 23. Pinangunahan ang aktibidad ng Kalinaw Mindanao: National Interfaith Mission for Peace and Justice in Maguindanao. (Ilang-Ilang Quijano)

May mahigit 300 katao, kabilang ang kamag-anak ng mga biktima, ang bumalik sa pinangyarihan ng karumal-dumal na masaker sa Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao, dalawang buwan makalipas ang krimen noong Nobyembre 23. Pinangunahan ang aktibidad ng Kalinaw Mindanao na nagsagawa ng National Interfaith Mission for Peace and Justice in Maguindanao. (Ilang-Ilang Quijano)

Para sa maraming kaanak ng mga biktima, iyon lamang ang pangalawang beses na sila'y nakabalik sa pinangyarihan ng masaker. Ang una ay nang hinukay ang mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay, sa mass grave na ito. (Ilang-Ilang Quijano)

Para sa maraming kaanak ng mga biktima, iyon lamang ang pangalawang beses na sila'y nakabalik sa pinangyarihan ng masaker. Ang una ay nang hinukay ang mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay, sa mass grave na ito ng 57 indibidwal. (Ilang-Ilang Quijano)

Nagbigay ng mensahe ang ilan sa kamag-anak ng mga biktima. Kabilang dito si Prof. Marino Ridao, ama ni Anthony Ridao na drayber ng isang sasakyang nakasunod lamang sa konboy ng midya at mga Mangudadatu. Ayon kay Prof. Ridao, "If justice would be served, the life of my son and the others who died here would not have been in vain." (Ilang-Ilang Quijano)

Nagbigay ng mensahe ang ilan sa kamag-anak ng mga biktima. Kabilang dito si Prof. Marino Ridao, ama ni Anthony Ridao na drayber ng isang sasakyang nakasunod lamang sa inambus na konboy ng midya at mga Mangudadatu. Ayon kay Prof. Ridao, "If justice would be served, the life of my son and the others who died here would not have been in vain." Katabi niya si Fr. Dionito Cabillas ng grupong Karapatan. (Ilang-Ilang Quijano)

Napaluha ang ilan sa mga kaanak, gaya ni Monette Salaysay (kaliwa), asawa ni Napoleon Salaysay na station manager ng DZRO at isa sa 32 mamamahayag na pinaslang. Nakaakbay sa kanya si Amirah Ali Lidasan ng Moro Christian People's Alliance; habang nagsasalita si Karen Araneta (kanan), ang asawa ni Henry Araneta, biktimang reporter ng DZRH. (Ilang-Ilang Quijano)

Napaluha ang ilan sa mga kaanak, gaya ni Monette Salaysay (kaliwa), asawa ni Napoleon Salaysay na station manager ng DZRO at isa sa 32 mamamahayag na pinaslang. Nakaakbay sa kanya si Amirah Ali Lidasan ng Kalinaw Mindanao; habang nagsasalita si Karen Araneta (kanan), asawa ni Henry Araneta, biktimang reporter ng DZRH. (Ilang-Ilang Quijano)

Nakibahagi sa komemorasyon sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, isang dating mamamahayag, at Gabriela Rep. Luz Ilagan. Kabilang sa mga pinaslang ang miyembro ng Gabriela na si Atty. Connie Brizuela. (Ilang-Ilang Quijano)

Nagtirik ng kandila ang mga kaanak, gaya ng asawa ni Napoleon Salaysay na si Monette (kanan) at kapatid ni Atty. Connie Brizuela na si Eva (kaliwa). (Ilang-Ilang Quijano)

Nagtirik ng kandila ang mga kaanak, gaya ng asawa ni Napoleon Salaysay na si Monette (kanan) at kapatid ni Atty. Connie Brizuela na si Eva (kaliwa). (Ilang-Ilang Quijano)

Naglagay ng pananda (marker) sa hukay bilang simbolo ng patuloy na paghahanap ng hustisya. Sa kaliwa, naging emosyunal si Virginia Arriola, asawa ng mamamahayag ng UNTv na si Mac-Mac Arriola. (Ilang-Ilang Quijano)

Naglagay ng pananda (marker) sa hukay bilang simbolo ng patuloy na paghahanap ng hustisya. Sa kaliwa, naging emosyunal si Cathy Nunez, ina ng mamamahayag ng UNTv na si Victor Nunez. (Ilang-Ilang Quijano)

Hawak ni Prof. Ridao ang isang puting lobo na may nakasulat na "Justice for victims of the Maguindanao massacre." Pagkatapos, pinakawalan ng mga kaanak ang 20 puting lobo para umano'y gumaan ang kanilang loob. (Ilang-Ilang Quijano)

Iniwan din sa pinangyarihan ng masaker ang mga tarpaulin na may mga panawagan para sa hustisya. (Ilang-Ilang Quijano)

Iniwan din sa pinangyarihan ng masaker ang mga tarpaulin na may mga panawagan para sa hustisya. (Ilang-Ilang Quijano)

Mga bulaklak na ikinalat at inialay para sa mga biktima ng masaker. (Ilang-Ilang Quijano)

Mga bulaklak na ikinalat at inialay para sa mga biktima ng masaker. (Ilang-Ilang Quijano)

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5984

Ilang-Ilang D. Quijano Posted by on Jan 24 2010. Filed under Balita, Multimedia, Photo Essays. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Follow and Subscribe

Features

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes