Balita Lathalain

Mga Larawan: Makasaysayang martsa ng mga magsasaka mula Mindanao, Hilagang Luzon tungong Mendiola

Nagsalubungan ang mga magsasakang "Lakbayani" na mula hilaga at timog sa tapat ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City, sa gabi ng bisperas ng ika-23 anibersaryo ng masaker sa Mendiola. (Raymund Villanueva)

Mga "lakbayani", bitbit ang streamer na naglalaman ng pangunahing panawagan nila: lupa at katarungan para sa mga magsasaka. (Boy Bagwis)

Tila nagliliyab ang gabi sa pagdating ng mga "lakbayani," sa pangunguna ni Danilo Ramos, pangkalahating kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. (Boy Bagwis)

Isang konsiyerto ang idinaos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Anakpawis para sa mahigit 4,000 Lakbayani na nagmula pa sa hilaga at timog ng Pilipinas. (KR Guda)

Pansamantalang humimlay ang mga magsasaka sa kalsada sa harap ng Department of Agrarian Reform bago ang makasaysayang martsa nila tungong Mendiola kinabukasan. (KR Guda)

Nagmartsa silang magsasakang nanggaling sa iba't ibang sulok ng bansa sa Espana patungong Mendiola para ihayag ang panawagan para sa tunay na repormang agraryo at panlipunang hustisya, sa ika-23 anibersaryo ng masaker sa Mendiola. (Solilman A. Santos)

Pinangunahan ng mga lider-makabayan ang martsa tungong Mendiola. Mula kaliwa, si Gabriela Rep. Liza Maza, Daning Ramos ng KMP, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Anakpawis Rep. Rafael Mariano at Anakpawis nominee at dating detinidong pulitikal na si Randall Echanis. (Solilman A. Santos)

Isang ng effigy ng backhoe na may mukha ni Pang. Arroyo sa harap at hitsura ni Uncle Sam ang sinunog ng mga demonstrador pagkadating na pagkadating sa paanan ng Mendiola. (Solilman A. Santos)

Isang installation art ang nilagay ng mga kabataang artista sa ilalim ng Kabataan Party-list na sumisimbolo sa kawalan ng hustisya sa mga magsasakang napaslang sa masaker sa Mendiola, Hacienda Luisita, at iba pa. (KR Guda)

Nagsagawa ng noise barrage ang mga magsasakang "Lakbayani" sa paggunita ng ika-23 anibersaryo ng masaker sa Mendiola. (KR Guda)

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Mga larawan: Mahabang martsa ng magsasaka, mula Calamba hanggang Baclaran
  2. Mga Larawan: Makasaysayang pamamaalam kay Cory, mula katedral tungong libingan
  3. Mga larawan: Pagtulak mula Mindanao ng mga magsasaka, sa unang 2 araw ng Pambansang Lakbayan
  4. Larawan at video: 9-na-taong panunungkulan ni Arroyo binatikos sa martsa sa Mendiola
  5. Makasaysayang 10-araw na pambansang karaban ng magsasaka, ikinasa

Discussion

No comments for “Mga Larawan: Makasaysayang martsa ng mga magsasaka mula Mindanao, Hilagang Luzon tungong Mendiola”

Post a comment

Opinyon

Neoliberalism Reloaded

(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.

Read on