Militar panagutin dahil sa pag-armas sa private armies


Hinamon ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang bagong tatag na presidential commission para distrungkahin ang private armies na panagutin ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pag-aarmas sa mga private army na tulad ng sa pamilya Ampatuan. Nilabas nila ang hamon nila matapos manumpa […]

Hinamon ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang bagong tatag na presidential commission para distrungkahin ang private armies na panagutin ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pag-aarmas sa mga private army na tulad ng sa pamilya Ampatuan.

Nilabas nila ang hamon nila matapos manumpa si dating Court of Appeals Associate Justice Monina Arevalo-Zenarosa bilang pinuno ng naturang komisyon.

 “Private armies have received huge support from no less than the police and military. This has been clearly proven in the discovery of multiple weapons cache in the possession of the Ampatuan clan,” paliwanag ni Renato Reyes, Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Ipinaliwanag pa ni Reyes na nanggaling sa pulis at militar ang armas ng mga Ampatuan. May opisyal na marka pa ng Department of National Defense ang mga armas na nasamsam mula sa mga Ampatuan.

The number of weapons and ammunition seized form the Ampatuans is staggerring and can only come from the government armory,” sabi pa ni Reyes.

 Nababahala ang Bayan na wala pa ring nakatataas na opisyal ng militar, pulis o opisyal ng departamento ang napapanagot sa ilegal na paglipat ng mga sandata at amunisyong ito sa mga private army ng mga Ampatuan. Paano umano madidistrungka ang private army kung hindi pupuntiryahin ang pangunahing tagasuplay ng mga ito ng armas, tanong ni Reyes.

Iminungkahi ni Reyes na imbestigahan ang lahat ng nangunang opisyal ng pulis at militar na natalaga sa Maguindanao magmula 2001. Kailangan umanong imbestigahan ang mga opisyal na ito para matunton kung sino ang may kagagawan ng pag-armas sa mga Ampatuan na dumulo sa madugong masaker noong Nobyembre 23, 2009.

Filing charges against these top police and military officials can serve as a strong warning to scalawagas in uniform all over the country who are engaged in similar illegal activities of providing weapons to private armies,” sabi pa ni Reyes.

 Duda ang Bayan na masosolusyonan ng naturang pambansang komisyon ang paglaganap ng private armies sa mga probinsiya. Matatandaang nagbuo ng Melo Commission si Pangulong Arroyo para imbestigahan diumano ang mga pampulitikang pamamaslang sa mga aktibista noong 2006. Pero hindi nasolusyonan nito ang mga pamamaslang.

Itinukoy pa ni Reyes na miyembro rin ng naturang pambansang komisyon si Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos, na naging miyembro rin ng “inutil” na Melo Commission. Kilalang alyado rin ng pangulo si Pueblos.

The problem with these commissions created by the president, they often cover up the accountability of top officials close to the President. That was what happened in the Melo Commission. No top official was ever made accountable. Even the findings on Gen. Jovito Palparan and AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon were sorely lacking. No charges were ever recommended against any top military official. Bishop Pueblos knows this to be true,” ani Reyes.