Hamon sa mga heneral ng AFP (Halaw mula kay Bertolt Brecht)


Isang tulang hinalaw ni E. San Juan, Jr. kay Bertolt Brecht para sa Morong 43.

ni E. San Juan, Jr.

Heneral, ang inyong mga baril at tangke ay makapangyarihang gamit
Winawasak ang gubat at dinudurog ang isandaang tao
Tinortyur pati mga mediko at narses sa Morong, Rizal,kamakailan….
Ngunit ang mga ito’y may kakunlangan:
Kailangan nito ang mga taong gumagamit at nagpapaandar nito….

Heneral, ang inyong eruplanong pamboba, pati mga drones ng Amerika, ay nakapangingilabot….
Lumilipad ng mas matulin sa bagyo at nailululan ang bombang mahigit pa sa bigat ng elepante,
Ngunit ito’y may isang kahinaan:
Kailangan nito ang mekaniko.

Heneral at mga upisyal ng pulis, bale wala ang tao.
Makalilipad siya at makapapatay.
Ngunit may isa siyang depekto:
Maaari siyang mag-isip.