Mga Larawan: Katarungan, sigaw pa rin sa ika-3 buwang komemorasyon ng Ampatuan massacre

Muling ginunita ng mga mamamahayag na kalahok sa November 23 Movement ang ikatlong buwan simula noong masaker sa Ampatuan, Maguindanao. Nagsagawa ang grupo gaya ng National Union of Journalists of the Philippines at College Editors Guild of the Philippines ng pagsindi ng mga lampara sa Boy Scout Circle, Quezon City, bilang simbolo ng kanilang patuloy na paniningil sa mga salarin ng krimen, kabilang si Pangulong Arroyo. May 31 mamamahayag na biktima ng masaker. (Jeffrey Ocampo)

Samantala, sa Davao City, nag-alay ng mga bulaklak, kandila, at dasal ang mga kaanak ng mga biktima ng masaker, kasama ang mga taong-simbahan at grupong Moro at Kristiyano ng Kalinaw Mindanao. Nasa litrato ang mga inalay kay Atty. Connie Brizuela, isang human rights lawyer na kabilang sa 57 na biktima ng masaker. (Contributed Photo)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6333













