KMU: Itigil ang dagdag singil sa kuryente
Iginiit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Meralco na itigil ang dagdag na bayarin sa kuryente.
Sa halip, ayon sa grupo, kailangang i-refund ng Meralco ang humigi’t kumulang na P7 bilyong kinita nito mula sa overcharge na kinolekta mula sa mga kostumer ng kompanya mula 2004 hanggang 2007.
Matatandaang noong pang nakaraang buwan nagtataas ng singil sa kuryente ang Meralco matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pertisyon nito para magtaas ng power rates.
“Ginagamit ng Meralco ang umano’y problema sa power shortage para magkamal ng mas malaking kita mula sa mga konsumer na kung tutuisin ang pinagkakautangan pa nila dahil sa overcharging,” ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.
“Bakit ang taumbayan ang magpapasan ng dagdag na singil sa kuryente kung napeperwisyo naman kami sa patuloy na isa hanggang tatlong oras na rotating brownout?” dagdag pa ni Labog.
Batay sa ulat hinggil sa private property facility na isinumite ng Commission on Audit noong nakaraang taon, ang “operational expenses” ng Meralco na umabot sa P3.48 bilyon noong 2004 at P2.4 bilyon noong 2007 ay hindi itinuring na “recoverable” mula sa mga konsumer dahil hindi ito kaugnay ng paghahatid ng serbisyo sa kanila.
Napag-alaman ng mga auditor ng COA na bilyon-bilyong halaga ng pag-aari’t mga kagamitan na kasama sa pagtantiya ng Meralco ng singil sa kuryente na “hindi nagamit o nakakatulong” sa paghahatid ng serbisyo ng kompanya.
Kabilang dito ang P562.2 milyon na estero at P156 milyon na parking lot.
Ayon pa sa naturang ulat, idinagdag pa ng Meralco sa kalkulasyon ng singil sa kurtyente ang gastos ng kompanya para sa pensiyon at benepisyo ng kanilang mga empleyado na nagkakahalaga ng P2.4 bilyon.
.
Kinondena naman ng KMU ang di pagtugon ng ERC sa nasabing ulat ng COA.
“Dapat sana’y nagpatawag ng public hearing ang ERC sa ulat ng COA kaugnay ng anomalyang ito sa Meralco. Pero ang ginawa nito, hinayaan lang ang Meralco na nagtaas ng generation charge sa 1.83 per kWh,” pahayag ni Labog.
“Ang ERC ay isang regulatory board, pero ang sinisiguro nito ay ang malaking tubo para sa Meralco,” dagdag pa niya,
Ayon sa pagsasaliksik ng KMU, umabot sa 169 % ang itinaas ng kita ng Meralco dahil sa pagtaas ng electricity sales mula sa mga residential at komersiyal na konsumer.
Patuloy namang nanawagan ang KMU, kasama ang iba pang makabayang mga organisasyon, sa Meralco na itigil ang pagtaas ng bayarin at ibalik sa konsumer ang labis nitong singil sa mga nagdaang taon.
Iginiit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Meralco na itigil ang pagsingil ng dagdag na bayarin sa kuryente.
Sa halip, ayon sa grupo, kailangang i-refund ng Meralco ang humigi’t kumulang na P7 bilyong kinita umano ng kompanya mula sa overcharge na kinolekta naman sa mga kostumer nito mula 2004 hanggang 2007.
Matatandaang noong pang nakaraang buwan nagtataas ng singil sa kuryente ang Meralco matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pertisyon nito para magtaas ng power rates.
“Ginagamit ng Meralco ang umano’y problema sa power shortage para magkamal ng mas malaking kita mula sa mga konsumer na kung tutuisin ang pinagkakautangan pa nila dahil sa overcharging,” ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.
“Bakit ang taumbayan ang magpapasan ng dagdag na singil sa kuryente kung napeperwisyo naman kami sa patuloy na isa hanggang tatlong oras na rotating brownout?” dagdag pa ni Labog.
Batay sa ulat hinggil sa private property facility na isinumite ng Commission on Audit (COA) noong nakaraang taon, ang “operational expenses” ng Meralco na umabot sa P3.48 bilyon noong 2004 at P2.4 bilyon noong 2007 ay hindi itinuring na “recoverable” mula sa mga konsumer dahil hindi ito kaugnay ng paghahatid ng serbisyo sa kanila.
Napag-alaman ng mga auditor ng COA na bilyon-bilyong halaga ng pag-aari’t mga kagamitan na kasama sa pagtantiya ng Meralco ng singil sa kuryente na “hindi nagamit o nakakatulong” sa paghahatid ng serbisyo sa taumbayan.
Kabilang dito ang P562.2 milyon na estero at P156 milyon na parking lot.
Ayon pa sa naturang ulat, idinagdag pa ng Meralco sa kalkulasyon ng singil sa kurtyente ang gastos ng kompanya para sa pensiyon at benepisyo ng kanilang mga empleyado na nagkakahalaga ng P2.4 bilyon.
Kinondena naman ng KMU ang di pagtugon ng ERC sa nasabing ulat ng COA.
“Dapat sana’y nagpatawag ng public hearing ang ERC kaugnay ng ulat ng COA na nagbubunyag ng anomalyang ito sa Meralco. Pero ang ginawa nito, hinayaan lang ang Meralco na magtaas ng singil. Ang ERC ay isang regulatory board, pero ang sinisiguro nito ay ang malaking tubo para sa Meralco,” paliwanag ni Labog.
Ayon sa pagsasaliksik ng KMU, umabot sa 169 % ang itinaas ng kita ng Meralco dahil sa pagtaas ng electricity sales mula sa mga residensiyal at komersiyal na mga konsumer.
Patuloy namang nanawagan ang KMU, kasama ang iba pang makabayang mga organisasyon, sa Meralco na itigil ang pagtaas ng bayarin at ibalik sa konsumer ang labis nitong singil sa mga nagdaang taon.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7031

Posted by
Pinoy Weekly Staff
on Apr 16 2010. Filed under
Balita.
You can follow any responses to this entry through the
RSS 2.0.
You can leave a response or trackback to this entry