Mga Larawan: Dambuhalang protesta ng obrero sa Mayo Uno
May pabaon ang mga manggagawa sa huling Mayo Uno sa puwesto ni Pangulong Arroyo: Ang isa sa pinakamalaking pagkilos ng mga manggagawa sa panahon ng kanyang rehimen.
Humigit-kumulang 20,000 katao ang nagmartsa mula Plaza Miranda patungong Liwasang Bonifacio sa Maynila, at patungong Mendiola Bridge para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo 1, 2010.
Sa programa sa Liwasang Bonifacio, muling siningil ng mga manggagawa ang kaliwa’t kanang mga hakbang ni Arroyo para supilin ang kilusang paggawa. Giit pa rin ng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno na dinggin ng mga kandidato sa pagkapresidente ang hiling nila na nakabubuhay na dagdag-sahod.
Narito ang ilang sa mga larawan ng dambuhalang kilos-protesta:
(Iklik ang “Next page”)
***
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7211














[...] This post was mentioned on Twitter by pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Mga Larawan: Dambuhalang protesta ng obrero sa Mayo Uno http://bit.ly/crsFY9 [...]