Sugod mga Kapatid

Guro


Masuwerte ako na marami akong naging progresibong mga guro, bilang estudyante sa isang state university. Marami sa kanila ay nagtuturo ng sosyolohiya, pantikan, at pagpapaunlad ng pamayanan (oo, may ganun sa amin!) Yung isa, sa sobrang pagka-‘kaliwete’ ay pinagtulungan ng mga maka-administrasyon sa kanyang departamento at pilit na tinatanggal mula sa pagtuturo.

Masuwerte ako na marami akong naging progresibong mga guro, bilang estudyante sa isang state university. Marami sa kanila ay nagtuturo ng sosyolohiya, pantikan, at pagpapaunlad ng pamayanan (oo, may ganun sa amin!) Yung isa, sa sobrang pagka-‘kaliwete’ ay pinagtulungan ng mga maka-administrasyon sa kanyang departamento at pilit na tinatanggal mula sa pagtuturo.

May isa pa nga, beterano ng First Quarter Storm, kahit na hindi ko siya nagging aktuwal na guro, marami siyang naituro at nabigay na advice sa akin.

Di sila tulad ng karaniwang guro sa maraming bagay: puwede kang kumontra sa sinasabi nila, puwede kang makipag-debate, hindi mahigpit ang mga house rules sa klase, minsan nagdadala pa sila ng pagkain sa klase para hindi ka makatulog, at higit sa lahat, lagi nilang inuugnay ang tinuturo nila sa nangyayari ngayon sa bansa.

Nagtitiis sila sa napaka-babang suweldo, at kadalasan sa mga bulok at kulang-kulang na mga pasilidad. Kadalasan, binabaka rin nila ang kawalan ng motibasyon at pagiging seryoso ng mga estudyante. Sa paglahok rin sa mga unyon, nagiging target rin sila ng panunupil.

Kaya naman damang-dama ko ang dalamhati ng mga taong nakakakilala kila Josephine Estacio, Mark Francisco, at Edgar Fernandez. Tatlo silang mga guro, lahat miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Teachers Partylist, at ika-tatlo, apat, at limang mga aktibista na pinaslang sa ilalim ng bagong gobyerno.

Adding injury to insult ito. Sila na nga itong nagtitiis sa kalunus-lunos na kalagayan ng sistema ng edukasyon, sila na nga itong nagsusumikap baguhin ito imbes na lumikas sa ibang bansa, sila na nga itong mga ‘bagong bayani’ bilang naghuhubog sa mga susunod na henerasyon, tapos sila pa ang papaslangin?

Pagpapakita lamang ito ng mga prayoridad ng bagong administrasyon. Sa isang banda, sinabihan nito ang militar na maaari nitong makuha ang kahit anong kailangan nila. Sa kabila, wala siyang binanggit na pagpapataas ng sweldo ng mga guro at pagpapataas ng badyet ng edukasyon.

Si Noynoy mismo ay isang argumento kung bakit dapat paunlarin ang edukasyon sa ating bayan. Halatang nagkulang siya sa pag-aaral sa…

Kasaysayan: Hindi nabigo, at hindi mabibigo ng armadong puwersa ang mga mahihirap na nag-aalsa.

Saligang Batas: Ilalaan dapat ng gobyerno ang pinaka-mataas na badyet sa edukasyon. Labag sa right to life ang pagpaslang ng militar sa mga aktibista.

Current Events: Isa sa mga dahilan bakit muhing-muhi ang publiko kay Gloria Arroyo ay dahil sa dami ng paglabag sa karapatang pantao na naganap sa termino niya.

Ekonomiya: Hindi sagot sa kahirapan ang pag-sugpo sa wang-wang.

Siguro naniniwala si Noynoy sa katwiran ng mga prayle sa El Filibusterismo: pag natutunan ng mga indio magbasa, maiintindihan nila ang mga batas! Mananalo kaya siya kung ang mayorya ng ating populasyon ay nabiyayaan ng siyentipko, makabayan, at maka-masang edukasyon? Kung ganun ang kalagayan, palagay ko lampas sa simpleng eleksyon ang usapan hinggil sa pagbabago ngayon!