Pinoy Weekly

Libu-libong estudyante lumayas sa klase; galit sa kaltas ni P-Noy sa badyet sa edukasyon

Martsa ng mga kabataan sa Recto Avenue patungong Mendiola matapos lumayas sa kani-kanilang mga paaralan bilang protesta sa budget cut sa edukasyon. (Darius Galang)

Martsa ng mga kabataan sa Recto Avenue patungong Mendiola matapos lumayas sa kani-kanilang mga paaralan bilang protesta sa budget cut sa edukasyon. (Darius Galang)

Libu-libong estudyante mula sa iba’t ibang pampulikong kolehiyo sa iba’t ibang dako ng bansa ang nagsagawa ng walk-out sa kanilang mga klase noong Setyembre 24.

Sa Metro Manila, pinangunahan ng University of the Philippines (UP) Manila at Diliman, Philippine Normal University (PNU) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang nasabing walk-out, kung saan kinakaharap ng mga ito ang malalaking kaltas sa maintenance and operating funds.

Mga estudyante ng Philippine Normal University na nag-walkout sa kanilang mga klase para dumalo sa protesta sa Plaza Miranda. (Macky Macaspac)

Mga estudyante ng Philippine Normal University na nag-walkout sa kanilang mga klase para dumalo sa protesta sa Plaza Miranda. (Macky Macaspac)

Mula sa kani-kanilang paaralan, nagtipon ang mga estudyante sa Plaza Miranda sa Maynila, kung saan nagsunog ng effigy ng pangulo ang mga ito upang ipakita ang kanilang protesta sa mataas na kaltas sa badyet ng edukasyon.

Sa naturang effigy, binansagang ‘Noynoy Scissor Hands’ ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang ginawang malaking budget cut sa edukasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Mula sa Plaza Miranda, galit na tumuntong ng Mendiola ang mga estudyante at ipinagpatuloy ang protesta. Hiniling ng mga estudyante na harapin sila ni Sek. Florencio Abad ng Department of Budget and Management. Nagsabi kasi si Abad na may P2.4 Bilyong pagtaas ang badyet para sa SUC.

Taliwas umano ito sa naunang pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na  1.7 porsyentong pagbaba sa naturang badyet.

Nagtipon sa lobby ng kampus sa UP Manila ang mahigit 1,000 estudyante na nag-walkout sa kanilang mga klase. (Jay del Rosario)

Nagtipon sa lobby ng kampus sa UP Manila ang mahigit 1,000 estudyante na nag-walkout sa kanilang mga klase. (Jay del Rosario)

Prayoridad ni P-Noy

Umaabot sa mahigit P1.6 Trilyon ang ang panukalang badyet ng administrasyong Aquino na nakatuon umano sa reporma para isulong ang “daang matuwid” na kanyang ipinangako noong nakaraang halalan.

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9773

Posted by on Sep 25 2010. Filed under Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Libu-libong estudyante lumayas sa klase; galit sa kaltas ni P-Noy sa badyet sa edukasyon”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by totoong pangalan and Vencer Crisostomo, Pinoy Weekly. Pinoy Weekly said: Balita /Mga Larawan>> Libu-libong estudyante lumayas sa klase; galit sa kaltas ni P-Noy sa badyet sa edukasyon http://bit.ly/aX94wm [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes