Mga Larawan: Paggunita’t protesta sa ‘pananatili’ sa bansa ng multo ng batas militar

September 22, 2010

"Dapat nating ipagpatuloy ang laban ni tatay." Ito ang pahayag ng anak ni Edgar "Edjop" Jopson na si Risa Jopson, sa paggunita sa alaala ng kanyang martir na ama. Sa likod ni Risa ang marker na pagkilalla sa kabayanihan ni Edjop at makasaysayang papel ng building na dating pag-aari ng pamilyang Jopson noong panahon ng First Quarter Storm of 1970 at batas militar. (Macky Macaspac)

Nagmartsa ang aabot sa 1,000 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan patungong Mendiola Bridge para gunitain ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Ayon sa Bayan, patuloy pa ring buhay ang mga multo ng batas militar, tulad ng mga paglabag ng estado sa karapatang pantao. Nariyan pa rin ang pundamental na mga problema ng lipunang Pilipino, tulad ng kawalan ng tunay na repormang agraryo at malaalipin na kalagayan ng manggagawang Pilipino. (Macky Macaspac)

Bahagi ng multo ng batas militar ni Marcos ang pagpapatuloy ng pampulitikang panunupil sa lumalabang mga mamamayan. Ipinakita ng mga tagasuporta ng "Morong 43" sa Mendiola ang hangaring palayain ang 43 manggagawang pangkalusugan na pinahirapan at ikinukulong pa rin ng gobyerno sa kasalukuyan. (Macky Macaspac)

Hiniling ng mga militante ang pagpapalaya ni Pang. Benigno Aquino III sa mga detinidong pulitikal, tulad ng pagpapalaya ni Pang. Corazon Aquino noon nang maupo siya sa poder matapos ang pag-aalsa sa Edsa noong 1986. (Macky Macaspac)

Ipasa pagkabasa!
Share on Facebook9Tweet about this on Twitter1Share on TumblrEmail this to someoneShare on Google+0Print this page