Libu-libong estudyante ng PUP, nagwelga vs kaltas sa badyet ng pamantasan


Libu-libong mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila ang nag-walkout sa kanilang mga klase noong Biyernes, Nob. 19, para ihayag ang pagtutol sa panukalang kaltas sa badyet ng pamantasan at ng state colleges and universities (SCUs) sa pambansang badyet.

Libu-libong mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila ang nag-walkout sa kanilang mga klase noong Biyernes, Nob. 19, para ihayag ang pagtutol sa panukalang kaltas sa badyet ng pamantasan at ng state colleges and universities (SCUs) sa pambansang badyet.

Bitbit ang malaking banner na may nakasulat na “We are on strike,” nagsagawa ng programa sa harapan ng main gate ng pamantasan ang mga estudyante, guro at kawaning pinamumunuan ng Ugnayang Multisektoral Laban sa Komersyalisasyon ng Edukasyon (Umaksyon). Sinuportahan ng administrasyon ng PUP ang pagkilos ng mga estudyante at iba pagn sektor ng eskuwelahan.

“Nararamdaman na natin ang deka-dekadang pagpapabaya sa badyet ng ating Pamantasan. Sirang mga pasilidad at overworked pero under-compensated na mga guro ang ilan lamang sa mga resulta ng di-paglaan ng gobyerno ng sapat na pondo,” ani Sheryl Alapad, rehente ng mga estudyante sa PUP.

Iminungkahi ni Alapad sa Kongreso ang paglaan umano ng P2-Bilyong badyet para sa PUP para sapat na tugunan ang mga pangangailangan nito, pero kinaltasan pa ng P23-Milyon ang badyet nila mula nakaraang taon.

“Kung ipipilit pa ni (Pangulong Noynoy) Aquino na kaltasan ang badyet ng PUP, mistulang pinupuwersa niya ang mga Iskolar ng Bayan na pumili sa pagitan ng ‘apoy’ at’kawali’: pumili sa pagitan ng sirang mga pasilidad, o edukasyong PUP na di-abot-kamay ng milyung kabataan ng mga manggagawa at magsasaka dahil sa mga dagdag-matrikula,” paliwanag ni Alapad.

Sa Lunes, Nob. 22, nakatakdang pormal na simulan ang malawakang “student strikes” sa hanay ng mga estudyante ng state colleges and universities, partikular ng PUP at Unibersidad ng Pilipinas.