Pinoy Weekly

Video: Sit-down protest sa loob ng LRT kontra taas-pasahe

Sit-down protest ng mga kabataan laban sa LRT at MRT fare hike. (Macky Macaspac)

Nitong Enero 21, halos 100 kabataang estudyante ang nagsagawa ng sit-down protest sa Legarda Station ng Light Rail Transit para tutulan ang nakaambang taas-pasahe sa LRT at MRT na itinutulak ng gobyernong Aquino.

Nagmula sa Unibersidad ng Pilipinas, Polytechnic University of the Philippines, University of Sto. Tomas, University of the East, at De La Salle University ang mga estudyante, ayon kay Vencer Crisostomo, tagapagsalita ng Kabataan Party-list.

Matapos ang 15-minutong programa sa loob ng estasyon, ipinagpatuloy nila ang protesta sa pamamagitan ng noise barrage sa baba ng estasyon. Nangalap sila ng pirma mula sa mga pasahero na tutol din sa taas-pasahe sa LRT at MRT.

Panoorin ang bidyo:

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=11547

Posted by on Jan 21 2011. Filed under Balita, Multimedia. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

3 Comments for “Video: Sit-down protest sa loob ng LRT kontra taas-pasahe”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by totoong pangalan and anakbayan, Julie. Julie said: Video: Sit-down protest sa loob ng LRT kontra taas-pasahe http://bit.ly/e48EuV [...]

  2. wow. sikat na sikat agad ito. 75 shares agad sa FB.

  3. [...] Iba’t ibang porma ng pagkilos ang kanilang isinagawa, tulad ng walk-out sa mga klase, sit-down protest sa estasyon ng LRT, at iba pa. Pinauso nila – o nilapatan ng pulitikal na pakahulugan — ang planking bilang [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes