Istorya ng Linggo

EDSA ng pagbabago: Saan, kailan, kanino?


Sa saliw ng kanta ng The Jerks na “Sayaw sa Bubog,” narito ang ilan sa mga imaheng nakuha ng Pinoy Weekly sa dalawang magkahiwalay na pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA noong 1986, habang sinisikap sagutin ang katanungang “Para saan, kailan, at para kanino ang pagdiriwang na ito?”

Dalawang magkaibang pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA noong Pebrero 1986 ang kinober ng Pinoy Weekly: Kilos-protesta ng mga militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) mula Cubao hanggang People Power Monument sa EDSA noong Pebrero 24, at reenactment ng salubungan ng militar at sibilyang nagsialsa sa EDSA, sa pangunguna ng administrasyong Aquino noong Pebrero 25.

Para sa mga nagprotesta, tila walang puntamental na pinagbago ang bansa matapos mapatalsik ang diktadurang Marcos noong 1986. Nagkaroon nga ng MRT sa EDSA, pero itinuturing naman itong negosyo sa halip na serbisyo, ayon sa mga nagprotesta. patuloy ang panunupil, pagtaas ng mga bilihin, pagsasamantala’t paghihirap.

Sa saliw ng kanta ng The Jerks na “Sayaw sa Bubog,” ito ang ilan sa mga imaheng nakuha ng Pinoy Weekly sa dalawang okasyon, habang sinisikap sagutin ang katanungang “Para saan, kailan, at para kanino ang pag-aalsa sa EDSA?”

Larawan nina Soliman A. Santos, Macky Macaspac, Darius Galang at KR Guda

Musika, ginamit nang may permiso, mula sa The Jerks